I. Smile, an everlasting smile

435 16 0
                                    

Today maybe one of the worst days of her life. Hindi sya nakatulog ng maayos because of her effin dysmenorrhea, at sa kamamadaling mag ayos, naapakan nya ang cellphone na nalaglag pala sa floor, late na rin sya ng 30 minutes sa meeting with a client na hindi nya matawagan. This monthly pain na nararamdaman nya is one of the many reasons kung bakit gusto nyang maging lalaki. Nasa top floor pa ng hotel ang restaurant na pupuntahan nya kaya tumatakbo na sya papuntang elevator.

"Sorry" casual na sabi ng nakasabay nyang pumasok sa elevator muntik na kasi syang masagi. Di nya yun pinansin andami na nyang concerns. Halos sabay din silang nagpress ng 25th floor. Napatungan ng daliri nito ang daliri nya.

"Sorry po ulit Miss."

"May po na, may miss pa teenager ba to?" This time napatingin sya sa lalaki at muntik na nyang pagsisihan ang ginawa nyang paglingon.

He smiled, probably the sweetest smile she has ever seen. Hindi lang yung matingkad na braces ang nagpaganda sa smile nito pati na din yung mga matang para syang mina magnet.
"That eye smile tho" sa loob-loob nya.

Binalik nya ang tingin sa elevator door. Wala sya sa mood na magrespond sa isang estranghero kahit gaano pa kaganda ang smile nito. Napangiwi sya ng maramdaman na naman ang sakit ng puson.

"Maganda sana pero masungit"
He was secretly eyeing the girl simula ng pumasok sya sa elevator. Simula ng mag debut ang Pinoy Pop Group niyang SB19 4 years ago sanay na syang makakita ng mga babaeng nakangiti, naku curious, nahihiya at nagpapansin sa kanya lalo na pag nakakasabay nya sa elevator. Naisip nya baka meron pa palang tao sa Pilipinas na hindi sila
kilala kahit gaano na sila kasikat. Kahit nginitian nya na parang wala pa din. He finds her cute kasi, naka black tshirt and denim pants pero naka hot pink na blazer and white converse sneakers.

Di naman maalis ni Sejun ang tingin sa sneakers ng babae.
"Shoot yung shoelace di nakatali!" He knows its none of his business pero na o-OC sya! Nasa 10th floor pa lng sila. Naisip nya kasi pano pag humakbang at matalisod.

"Miss yung shoelace mo di nakatali"

Di na rin sya nakatiis at nasabi nya. Mula kanina ito na yata pinakamadaming words na nasabi nya sa isang di nya kilala. Di pa rin nya ito pinapansin.

"Miss sabi ko yung shoelace mo di nakatali!" Nilakasan nya na yung pagkakasabi nasa 15th floor na kasi sila.

Nararamdaman na ni Aki ang pagtulo ng pawis kahit malamig sa elevator, lalo kasing sumakit ang puson nya. Napahawak sya ng mahigpit sa metal handrail pero hindi rin nakatulong ang lamig ng bakal. "Shit,shit sana talaga naging lalaki na lang ako" Parang hihimatayan na  yata sya sobrang sakit, wala na rin syang naririnig sa paligid nya. Pero nagulat sya ng yumuko ang lalaki sa harap nya.

"Miss ayusin ko lang shoelace mo, di mo kasi ako naririnig."

Muntik na nyang masipa ang lalaki sa sobrang gulat buti na lng wala syang lakas para gawin yun. Hinayaan nya lng na itali nito ang shoelace ng sapatos nya.

"Behave naman pala, pero bakit di nya ako naririnig"

Tumayo ito at tumingin sa kanya.
"Pasensya na di mo kasi ako naririnig kanina"
Nagulat din si Sejun kung bakit kailangang sya pa ang magtali sa shoelace nito.

"O-ok lang, salamat I just feel sick today" Nasabi na lng ni Aki pilit syang ngumiti pero ngiwi pa din yata ang nagawa.

Ngayon lng din napansin ni Sejun medyo haggard nga ito, medyo magulo ang buhok at mahigpit ang hawak sa handrail, ang isang kamay naman diin na diin sa backpack. Sakto naman pagbukas ng elevator.

As if on cue, dali-daling lumabas si Aki sa elevator. Naiwan naman si Sejun na naguguluhan sa sarili.
"Kelangan ba talaga ikaw magtali ng shoelace?natanong na lng nya sa sarili, buti na lng walang ibang tao sa elevator baka napicturan pa sila.

Napaupo muna si Aki sa pinakamalapit na table. Nanghihina kasi sya, di nya alam dahil ba sa dysmenorrhea o sa gesture nung lalaking nakasama nya sa elevator.

"Ah excuse me, where's the table reserved for Akihara Pangilinan?"tanong nya sa nakitang waiter.

"Ah yes Ma'am this way po"
Nasa malapit sa glass window yung table na yun. Nakita may mga used glasses na.
"May naghintay na ba dito kanina?"
"Yes Ma'am pero umalis na po yata"
" Shit, sayang.."
"Ah sige, pakiligpit na lng tapos pakidalhan na lng ako ng black coffee, no sugar"

Naupo na lng sya sa table, at binuksan ang laptop. She'll try to contact her secretary via messenger. Buti na lng automatically connected sa wifi ng restaurant at medyo gumaan ang pakiramdam nya dahil sa init ng kape. Madami na syang na send na messages kay Jen pero di parin ito na seen.

"Miss Akiiiiii!!" Tawag sa kanya ng pamilyar na boses. Si Jen  secretary nya na mnsan di na nya na alam ang facial expression dahil sa kapal ng salamin.

"Dumaan po yung mag asawa sa office bakit dw di po kayo sumipot? kala ko po ano nangyari sa inyo di ko po kayo matawagan"

"I was 30 minutes late Jen"
"Ano po? Pero sana nag message kayo para mhintay kayo"
"My phone broke. Na naman"
"Hala, sabi ko po sa inyo kahapon samahan ko na kayo sa meeting sabi nyo kaya nyo na"

" Hay naku Jen, di ko naman kasi alam na magkaka dysmenorrhea ako today, haixt"
Inubos nya yung coffee at niligpit na yung laptop.

"Balik na lng tayo sa office"

"Sige po ok na po kayo? o kelangan dalhin ko kayo sa hospital?"

Tiningnan nya ng masama si Jen. "Sige dalhin mo ako sa hospital tapos schedule mo na lng din ako for Gender Reassignment Surgery"

"Ok po...ako na po magdadala ng backpack. Teka, may nag refer na po ng doctor sa inyo o hanap po ako?"
Kung hindi lang talaga masama ang pakiramdam baka nabigwasan nya na tong secretary nyang apakainosente.

Habang naglalakad papuntang elevator may napansin silang mga press na may ini interview sa bandang dulo ng restaurant hindi rin naman yun presscon kasi nakatayo lang at parang paalis na. Pumasok na sila ni Jen sa elevator pero bago tuluyang magsara ay pumasok ang 5 nag gwa gwapuhang mga lalaki at sumunod na rin yung mga kasama nila.

Nagulat si Aki nung pumasok sa elevator yung kaninang nagtali ng shoelace nya! Nagkasalubong pa sila ng tingin at ngumiti na naman sa kanya ng pagkatamis-tamis.

"Ok ka na miss?"

Medyo natulala si Aki sa ngiting yun hindi nya alam pero iba na ang atake sa kanya sguro dahil hindi na masama ang pakiramdam.

" Ah yeah, thanks!" Nasabi na lng niya. Napahawak sya bigla sa dibdib. "Heartbeat ko ba yung naririnig ko? bakit ang lakas?"
Lumingon na rin yung 4 na lalake sa kanya at ngumiti.

"Miss Aki...." Nagulat si Aki nung hinawakan ni Jen ang braso nya. Singlamig yata ng yelo ang kamay nito. Bumulong ito sa kanya. "Miss Aki naiiyak ako, SB19 yan"
"SB19 who?"

Love and Lyrics Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon