Chapter 3Amber
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagtitig sa akin ni Vinsant kanina. Hindi ko rin alam kung may meaning ba iyon or wala lang. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon siya kung makatingin sa akin. Yung mga mata niya ay parang may ibang pinapahiwatig.
Kanina ko pa talaga iniisip ang bagay na yan. Kahit habang nagkaklase ay yun lang ang laman ng isip ko. Ang awkward lang dahil nasa tabi ko lang si Vinsant. Natatakot ako lumingon.
Nandito ako ngayon sa tapat ng faculty room at hinihintay si Talia. Tapos na rin ang klase namin. Inutusan kasi siya ng isa naming teacher na pumunta sa office dahil magpapatulong daw siya.
Pinagkakatiwalaan talaga kasi si Talia ng mga guro dito sa school namin. Marami siyang kaclose na mga staff kahit pa yung guard at janitor. Napakabait at approachable naman kasi ni Talia kaya marami siyang kakilala dito.
Nakita ko namang lumabas na si Talia sa room. "Amber, pwedeng mauna ka nalang ng uwi? Si Ma'am kasi, marami pang gagawin at magpapatulong din daw siya roon. Okay lang ba?" Ngumiti siya ng bahagya.
Tumango naman ako, "Oh, yes naman. I will make lakad nalang to our apartment, ha. Ingat ka sa pag-uwi."
"Sige, ingat rin," at pumasok na siya sa faculty room.
Tinignan ko ang relo ko. 4:30 pa lang naman ng hapon. Marami na ring lumalabas ng school para umuwi. Napansin ko namang isa sa kanila si Vinsant. Naglalakad siya ngayon papunta sa gate.
Tinignan ko ang langit. Medyo makulimlim ito ngayon. May dala naman akong payong. Napag-isip-isip ko naman na pumunta sa mall para maglibot-libot muna. Sige, since isa lang naman yata ang assignment.
Naglakad na ako palabas ng school at sumakay ng tricycle papuntang mall.
*
"Hi, Ma'am. Good afternoon! Free taste lang po," bati sa akin ng isang tindera rito sa loob ng mall. Nakita ko naman kung ano ang tatak ng stall nila. Pure Foods.
Napangiti naman ako sa free taste nila. Sausage ito. "Uhm, Miss. Pwede bang magfree taste?" tanong ko.
"Yes po, Ma'am. Here." Binigyan niya ako ng isang sausage na nakatusok sa toothpick.
"Can you subo it to me, Ate? Like— aaaAa. Here comes the airplaneee, babyyy." Natawa naman siya at yung mga kasama niya sa sinabi ko. "Chos lang, Ate. Ikaw naman. Sige, thank you!" sabi ko bago kunin ang sausage.
Naglakad-lakad pa ako ng 10 minutes bago maupo sa may gilid ng mini foodcourt. Maliit lang ang food court since hindi naman ganoon kalaki ang mall na ito. Malayo pa dito yung mas malaking mall.
5:00 pa lang ng hapon. Tumingin-tingin naman ako sa mga taong naglilibot ngayon sa mall. Maraming mga estudyante na naglilibot. May mga magjowa rin na holding hands while walking pa.
Sa isang sulok ay may nakita akong pamilyar na mukha. Si Vinsant kaya yun? Medyo malayo kasi kaya hindi ko makita nang maayos. Ganoon din ang suot ni Vinsant kanina. Kumakain siya ng sundae habang nakatayo.
Napalingon ako nang may magsalita sa gilid, "Hija, may nakaupo ba rito?" tanong sa akin ng matandang babae.
Umiling ako, "Wala po," sagot ko.
Tinignan ko ulit yung pwesto ni Vinsant. Wala na siya doon. Tumayo ako at naglakad papunta sa direksyon niya.
Sinundan ko siya. Nakikipagbungguan na ako ngayon sa mga tao. Lakad-takbo ang ginawa ko para masundan ko siya at hindi mawala sa paningin ko.
YOU ARE READING
AMBER
Fantasy[ON GOING STORY] Amber Esmeralda Alvarez. Isang mabait, masipag (siguro) at kalog na Senior High student. Behind those, hindi niya alam kung ano ang tunay niyang pinagmulan. She doesn't know her parents, and even her family background. But after so...