(A/N - dedicate ko din to sa magalinng tumula si akosirainer .. dahil sa kanya naisipan kong gumawa ng Poem haha :))) Good Writter si kuya ey)
SI KAYBIGAN O SI KAIBIGAN
"ANG KAYBIGAN"
Kasa-kasama san man magpunta
Sabay sa AMING mga tawa
Tinatayo pag akoy nadarapa
Pinupunasan aking mga luha
Kaya naman Ka'y dami ng mga ala-ala
"KAIBIGAN"
Sinusundan ko ng tingin san man mapunta
Ito ang dahilan ng aking mga tawa
Inspirasyon Pag-akoy nadarapa
Dahilan ng aking mga luha
Kaya nama'y akoy EWAN kung may pag-asa
ISANG ARAW
Tahimik sa ISANG tabi habang gumagabi
Sa isip ko'y sumagi O kay sakit
Away nating lumalaki
Dahil pareho tayong nahulog sa iisang lalaki
Kay hirap pala ng ganito
Ako man ay nalilito
Si kaybigan ba o
Ang tinitibok ng aking puso
PERO SA HULI
AKING NAPAGTANTO
Si kaibigan nga ang dahilan ng ngiti ko
Pero
Una kang dumating sa buhay ko
Hindi man ikaw ang kaligayahan ko
Ikaw naman ang Laging nasa tabi ko
Salamat sa lahat ng oras mo
"ANG KAYBIGAN KO"