Chapter 46

154 6 4
                                    

"Huh?"

Narinig kong tanong sa akin ni Sonn sa bandang kanan ko. Mahina lang yung pagkakabitaw ko ng salitang 'yun, hindi maaaring marinig niya.

Lumingon ako sa kanya, binigyan ko siya ng ngiting pilit.

"Ang----gwapo mo diyan sa suot mo", pagbabawalang-bahala ko sa nararamdaman niyang pagtataka.

Di siya umimik ng ilang segundo. "Hmm, okay ka lang ba? Ang lagkit ng tingin mo kay---"

Bumuntong-hininga ako. "Huh? Sa suot ni King? Ang ganda kasi ng kulay, dapat ganun din sinuot mo e", marahan akong umiwas ng tingin sa kanya dahil ayokong makita niya na gumagawa lang ako ng palusot.

Lumapit siya sa akin hanggang sa mahawakan niya ako sa braso. "May problema ba? Okay naman itong suot ko e, hindi mo ba nagustuhan?" nakatingin siya sa akin na parang may lalim akong nararamdamang katanungan niya.

"Ah--- ayos naman. Maganda, maganda naman e. Tsaka huwag mo na nga isipin 'yun. Kahit ano pang isuot mo, bumabagay sa'yo", wika ko sa kanya.

Hinawakan nito ang mga kamay ko, nginitian ako na kulang na lang matunaw ako sa mga titig niya.

Naaawa ako sa sarili ko, hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko. Kung tama bang lokohin itong nararamdaman ko lalo na't wala namang ginagawang masama si Sonn sa akin? Paano ko siya iiwan kung ganito pa rin niya ako kamahal? This is something I have to work on. Kawawa siya, kawawa yung mga pag-asang pinanghahawakan niya na mahal ko pa rin siya. 

Nahinto ako sa mga iniisip ko nang kuhanin ni Sir Alvarez ang atensyon namin para simulan na yung photoshoot. Una niyang pinagpares sina Neil at Rosch. As usual, hindi naging mahirap sa kanila yung mga ganitong bagay kasi kita sa mga kilos nila na sanay na sanay na silang mag-pose. Picture sa kanan, sa kabila, sa harap at pasimpleng akbay. 'Yan ang mga naibigay nilang pose sa kanilang proyekto. Sumunod sina Andre at Arjane, tuwang tuwa namang nakangiti si Andre kay Arjane na talaga nga namang pinapahiwatig ang kagustuhang makasama si Arjane. Tulad nga ng ginawa ng naunang pares, akbay dito, akbay doon, tingin sa kanan, sa kaliwa at iba't-iba pa. Sumunod sina Jun at Dheez. Napansin ko kay Jun yung pagkaseryoso sa mukha, iba yung karisma niya pagdating sa mga ganitong bagay. Kuhang-kuha kasi nito yung itsura ng mga modelong nakikita ko sa mga prestihiyosong magazine na nabibili sa bookstore. Sa tuwing ngumingiti siya ay napapatitig nga si Dheez sa kanya dahil nga sa mapang-akit niyang awra. Ewan ko, parang naramdaman ko rin iyon sa kanya. Masayang humakbang naman sina Aron at Krey ng sila na ang matawag ni Sir Ruiz. Itong si Krey parang wala sa sarili, kanina pa balisa. Hindi ko mawari kung anong balitang bumabagabag sa kanyang isipan samantalang ang kanyang kapares ay todo ang pagbibigay niya ng magandang anggulo sa kuha ng litrato ng mga writers.

Hindi pa kami natatawag tatlo nila Sonn at King. Kinakabahan ako kung kanino nila ako ipapares, para akong nilulusaw sa nararamdaman kong init dahil sa kanina pa nagbabaga ang kinikimkim kong kaba. Una akong tinawag ni Sir Ruiz, dahan-dahan akong humakbang papunta sa harapan kung saan kami kukuhanan ng litrato, para kasing ang hirap ilakad itong suot kong sandal na pagkataas-taas ng heels. Dagdag mo pa yung suot kong gown na konting galaw mo lang ng hindi maganda ay maaari itong mapunit sa sobrang nipis. Kaya minabuti kong alagaan at alalayang maglakad hanggang sa marating ko yung area kung saan kami kukuhanan ng mga posing pictures.

Unang ipinares sa akin ni Sir si Sonn. Naupo naman muna si King sa couch na inihanda sa amin para maupuan habang naghihintay.

"Ah, Ms. Pipay, alam mo naman na yung gagawin diba? Hawak kay Sonn, lingon sa kanan, sa kaliwa, basta ihambing niyo nalang kung anu-anong pose ang nababagay sa inyong dalawa okay?" pagbibigay direksyon naman niya sa amin.

Napabuntong-hininga si Sonn. "Let's do this?"

Lumagkit na naman yung pagtitig niya sa akin gaya ng mga titig niya kanina. I know, hindi talaga magiging madali para sa akin iwanan siya, paano ko pa kaya yun masasabi sa kanya kung wala namang magandang paraan para wakasan na nang tuluyan yung relasyon namin? Malakas ang kutob ko na hindi siya ganun karupok para intindihin nalang yung dapat kailangang ipaintindi sa kanya. Kilala ko siya, I knew him from the moment he gave his entire life to me.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon