Luke's Pov
Pabalik na ako sa table nang makita kong seryoso ang mukha ni Vianne habang si Lianna naman ay nakanguso. "Tsk! Parang tanga talaga," bagay na bagay sa kanya ang ngumunguso.
"Ang tagal mo!" Singhal ni Lianna kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Food ko?"
Pabagsak kong binaba sa harap niya ang kape at cake.
"Hindi ka naman galit?"
Sa halip na sumagot ay humarap ako kay Vianne, "Vanilla latte and Red velvet cake for you, babe." Nakangiting sabi ko bago ko ibinaba sa harap niya ang paborito niyang coffee and dessert.
"Thanks."
"No prob babe," nakangiting tugon ko.
"Ang tamis mo." Nakalolokong wika ng bruha, walang iba kundi si Lianna.
"What?" Kahit kailan panira talaga ang babaeng ito.
"Umupo ka na kako," painosenteng sagot pa nito.
"Tsk!" Hinila ko ang silyang katabi ni Lianna, inilapit ko iyon sa tabi ni Vianne at saka umupo roon. Bale, napapagitnaan namin siya ni Lianna.
"Anong oras ang klase niyo?" Tanong ni Vianne.
"9:30 pa ako," si Lianna ang unang sumagot habang sumusubo ng cake.
Ang totoo, fiftteen minutes late na ako sa unang klase ko ngayon umaga. Pero dahil sa kasama ko si Vianne ay ayos lang sa akin na umabsent sa unang subject.
"How about you Luke?"
Pilit na ngumiti ako kay Vianne,"Late na ako eh," pag-amin ko habang napapakamot sa batok.
Biglang naningkit ang kanyang mga mata kaya bigla ako nakaramdam ng kaba.
Babatukan niya na sana ako na kaagad kong naiwasan, "Sira ang ulo mo! Inuna mo pa talaga ang kalandian kaysa ang pumasok sa klase, napakairesponsableng studyante!" Galit niyang sabi na masama pa ang tingin sa akin.
"Wag ka nang magalit babe, ngayon lang naman 'to at hindi na mauulit pa." Malambing kong sabi at pilit na ngumiti sa kanya.
Sana naman tumalab ang charm ko.
"Aysus, dinadaan sa mga paganyan ganyan ano? Makalusot lang."
Anak ng! Kung hindi lang talaga babae 'tong si Lianna, baka kanina ko pa ito inupakan. Napakaepal!
"Inggit ka lang dahil walang lumalambing sa'yo." Asar na tugon ko.
"Ako maiinggit? Kung ganyan itsura lang din naman ang lalambing sa akin mas gugustuhin ko pang maging single forever!" Pasigaw na sagot sa mukha ko na sinasabayan pa ng pagtalsik ng laway niya.
"Nakakadiri ka. Ka'babae mong tao tumatalsik ang laway mo." Sigaw ko pabalik sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Romance [COMPLETED]
RomansaYou are the best meaning of perfect romance my love.