LOA S2 Part 41: Makasalanang Halik

1.8K 99 16
                                    

Henry Yao as Bart

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Henry Yao as Bart

*********

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Jan 18, 2020

Author's note: Sa nakaraang episode ay kinabitan ni Doktor Yukzi ng kable ang mga utak nina Bart at Cyan na ang layon ay idisect ang kanilang mga memorya. Ngayon ay malalaman natin ang kanilang POV.

Part 41: Makasalanang Halik

BART POV

"Congratulations Bart, sabi ng producer ay isa ka sa pinaka magaling na modelo kanina. Halos muntik mo na akong matalo." ang wika ng isang lalaking pumasok habang nag aayos ako ng gamit sa silid ng aking nilipatang apartment.

"Ikaw pala Serapin, salamat sa pag titiwala ninyo sa akin. Sana ay napanood ako ni Narding tiyak na matutuwa siyang makita akong lumalakad sa catwalk." ang naka ngiti kong sagot.

"Ano kaba, tiyak na proud si Narding sa iyo, kung nasaan man siya ngayon. O heto ang talent fee mo ngayong gabi. 38 thousand pesos, sorry ha medyo maliit pa iyan. Hayaan mo kung kulang ay dagdagan ko na lamang." ang tugon niya.

"Naku huwag na. Para sa akin na lumaki sa mahirap na lugar ay malaking halaga na ito." ang sagot ko.

"So, anong plan mo? Gusto mo mag shop? O kumain sa labas?" tanong niya habang naka ngiti.

"Hindi na, itatabi ko ang perang ito. Mag iipon ako." ang sagot ko habang naka ngiti. Inilagay ko sa sobre ang pera at inipit sa aking drawer.

"Ano naman ang pinag iipunan mo? Sasakyan ba? O magandang cellphone? Gadget?" tanong niya sabay tabi sa akin. "Alam mo tol, huwag kana mag ipon dahil ako na ang bibili ng mga gusto mo."

"Hindi, salamat nalang pero hindi ako mahilig sa mga gadget. Iipunin ko ito para maipagamot si Narding, gusto ko siyang makalakad ng maayos. Simula bukas ay pag iigihan ko pa sa mag momodelo para makaipon."

(Author's Note: Ang mga kaganapang ito ay noong sumama si Bart kay Serapin upang maging isang modelo. Mababasa ito sa Ang Tadhana ni Narding Book 1, kung saan nag karoon sila ng pag tataksil. Ito ang mga naganap kay Bart na hindi nasabi sa unang libro.)

"Bart, mag ipon ka para sarili mo. Ano ka ba, okay naman si Narding. Unahin mo sarili mo."

"Siya ang inspirasyon ko, siya ang nag bigay ng dahilan para mag sumikap ako." ang tugon ko sabay lagay ng pangalan sa sobre. "Narding" ang ibig sabihin ay para sa kanyang ang aking pag ttrabaho. Gusto kong maging karapat dapat sa kanya at maging mabuti sa paningin ni Super Nardo. Ayoko nang maging si Bart lang na tambay sa kanto at nag aabang ng away.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon