Kung Tayo Pa

4 0 0
                                    

Noong tayo pa, masayang-masaya.
Kung tayo pa, ano kaya?
Noong tayo pa, problema’y kayang-kaya.
Kung tayo pa, paano na kaya?

Paano mo malalaman,
Kung hindi mo itatanong,
Paano mo mapapatunayan,
Kung hindi mo susubukan ngayon

Kung hanggang ngayon ay tayo pa,
Masasabi ko pa kayang mahal kita?
Kung hanggang ngayon ay tayo pa,
May tayo pa kaya?

Ngayon, bukas, sa isang araw,
Sa isang linggo, Sa isang buwan o taon
Wala dyan ang hinahanap ng puso mo
Kung patuloy kang mananatili sa dulot na sakit nito.

Ang nakaraa’y di hangin,
Na pagkatapos kang lisani’y kusang bumabalik
Ang nakalipas ay di ulap, matapos ibuhos ang lahat
Kaya pang bumalik sa dating kaanyuan

Kaya ikaw huwag kang mabuhay sa mga akala ng buhay
Dahil hindi mo mahahanap ang magmamahal sayo ng tunay
Kung di mo kayang palayain ang sarili mo sa dating ikaw

Kaya ikaw huwag kang mabuhay sa mga akala ng buhayDahil hindi mo mahahanap ang magmamahal sayo ng tunayKung di mo kayang palayain ang sarili mo sa dating ikaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Hindi Pag_alalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon