U L A M

779 13 0
                                    

"Dad nakita mo si kuya?" tinanong ko ang  ama habang siya ay abala sa kanyang ginagawa

"No, Anak. Mauna na ako" sagot nito ngunit ito'y ikinagulat ko kung bakit ganon ganon nalang yung pakitungo niya sakin.

Lalabas na sana ako ng opisina niya nang makita ko ang aking ina pawis na pawis.

"Leah, Wag ka muna lumabas ng bahay. Si Kuya mo nakitang nakahandusay sa may harden, Patay na." saad ng aking ina.

"H-ha pano? Asan si Dad?" tanong ko.

"Nasa opisina niya" sagot ni mama.

Opisina? Kagagaling ko don kanina.

"Lumabas si Dad sa opisina niya Mom e, Kakagaling ko lang don kanina"

"Basta" sabi ni Mom ata umalis.

Bakit ang weird ng pamilya ko ngayon?

Ilang oras ang nakalipas at gabi na.

Hinanap ko sa aking paligid ang aming mga katulong upang tanongin kung ano ang ulam.

Ngunit laking gulat ko bakit may dala dalang bagahe at pawis na pawis ito.

"Manang? San po kayo pupunta?" tanong ko rito.

"A-ah kasi ano" saad nito at halatang nataranta ito sa nakita niya sa aking likuran.

Tumingin din ako sa gawi na kanyang tinitignan upang alamin kung bakit siya nataranta.

E anong nakakatakot sa tatay ko?

"Sige ma'am aalis nako" saad nito at dali daling lumabas ng bahay.

Kumunot ang aking noo kung bakit ganon ganon nalang ang kanya g inasta.

Teka asan ba si mommy?

"Dad? Anong ulam at asan si mommy?" tanong ko rito.

"Ito dinugoan" sabi nito at ibinigay sakin ang isang Tupperware na puno ng ulam.

Halos isusubo ko na sana ng makita ko ang isang, kuko?

"D-dad?" saad ko.

"Yes sweetie?" sagot nito habang nakangiti.

"B-bakit may kuko?" tanong ko

"Hinahanap mo si mommy mo right?" saad niya at tumango lang ako.

"Ayan na sa harapan mo si mommy mo" sabi nito.

At  tumingin ako sa harapan ko hanggang sa unting unti nabuo ang ideyang nanay ko pala ang laman ng dinugoang ito.

if your like this story kindlt live a vote or a comment, iloveyou all 3000
-sei

ONE SHOT STORIES (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon