Chapter 13

819 43 2
                                    


Chapter 13
3rd Person's POV;
"Hahayaan na lang ba natin si Kace?" Tanong ng binatang nakaupo sa pinakarailing habang humihithit ng sigarilyo.

"Ngayon ko na lang ulit nakitang ganito si Kace." Komento ng binata habang nakatingin sa baba ng railing kung nasan ang binatang si Kace na naglalakad papasok sa isang building.

"Pero hindi dapat si Kace ang nasa ganitong sitwasyon."nalulungkot na sambit ng isa sa apat na binata.

"Masasaktan siya." Dagdag nito bago matamang tiningnan si Kace na pumasok sa isang classroom.

Kace Javier's POV;
Nang nasa tapat na ako ng student council office nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko kasi baka kung ano nanamang makita ko katulad nung last---.

"Kace." Napatigil ako ng kusa nang bumukas yun at niluwa nun si...Cairo.

"Pinagluto ulit kita tinulungan ako ni Castro at Ian para kumbinsihin yung manager." Ani ko bago itaas yung lunch box.

"Salamat bigla tuloy akong nagutom." Ani niya bago kuhanin yung lunch box at---.

"Oo nga pala uuwi din tayo ng maaga tumawag si papa may sasabihin daw satin." Ani ni Cairo.

Ano naman kaya yun?

---
"Ano ito Kace?!totoo bang nagkaroon ka ng anak sa babaeng ito?!" Bungad ni dad ng makapasok kami ni Cairo sa loob ng penthouse.

"Sumagot ka!" Sigaw ni dad bago walang kaano anong ibato sa lamesa ang mga litrato.

"Siguro." Walang ganang sagot ko habang nakatingin sa mga litrato at sa batang nakaupo sa couch.

"Wala kana ba talagang kahihiyan sa pamilya natin? Ano na lang sasabihin nanaman ng mommy mo sayo?" Naggigitgit na tanong ni dad.

Si mom?hindi ko maiwasang matawa ng mahina bago tumalikod at ibaba ang mga gamit ko sa sofa.

"Pasensya na kumpadre pero si Kace hindi nababagay maging asawa ng anak mo." Ani ni dad na kinabato ko sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam kung bakit pero ng sabihin yun ni dad pakiramdam ko sa isang iglap nadurog nanaman ako.

Ano pa bang bago? Wala naman talaga sa mundong ito ang lugar kung saan ako nababag---.

"Pare hindi ako magdedesisyon sa nga bagay na yan." Sagot ni papa.

"I'll take the responsibility." Sagot ni Cairo na kinatingin ko.

"Iho may anak si Kace at---."

"Hindi nun mababago ang mga bagay na nakita ko kay Kace." Putol ni Cairo bago lumapit sa batang sinasabing anak ko daw at ipatong ang kaliwang kamay nito sa ulo ng batang lalaki.

"Pft narinig mo na sagot ng anak ko kumpadre." Sagot ni papa bago tumayo at tingnan ako.

"Mukha na kayong pamilya ngayon... Be a good parents kiddos." Ani ni papa sasagot pa si dad ng hilahin na siya ni papa palabas.

"P-Papa?" Napatingin ako sa batang hawak ni Cairo ng tumingin ito sakin.

Sa unang tingin hindi mapagkakailang...anak ko siya pero---.

"Anong pangalan mo bata?" Tanong ni Cairo na kinatingin ng batang lalaki.

Ang mata at buhok nito katulad ng katulad sakin kahit ang features.

"K-Kaide J-Javiel."sagot ng batang lalaki.

Mukhang nasa 5 years old na ito dahil sa height niya.

"Ang ganda naman ng pangalan mo." Komento ko bago lumapit kina Cairo.

"Ikaw talaga papa ko?" Inosenteng tanong niya na kinangiti ko.

"Y-yeah." Sagot ko bago lumuhod sa harap niya at marahang haplusin ang buhok niya na may kahabaan.

---
"Hindi ikaw ang ama ng batang yan diba?" Tanong ni Cairo na kinatigil ko bahagya.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko bago tumingin kay Cairo na nakahilig sa bukana ng pinto.

"Yung expression mo kanina." Sagot niya na kinahinto ko sandali.

Expression ko?

"Ikaw siguro yung tipo ng kapatid na taga salo lahat ng kasalanan." Ani niya na kinayukom ng kamao ko.

"Wag kang magsalita na parang alam mo ang lahat." Walang emosyong sambit ko.

"Kahit hindi mo sabihin ang mga nararamdaman mo nababasa ko sa expression mo." Ani niya bago nakapamulsahang naglakad papunta sa kabilang gilid ng kama at umupo dun habang matamang pinagmamasdan si Kaide.

"Wala din naman akong pake kung anak mo ito o hindi." Dagdag niya bago ako tingnan.

"Kamukhang kamukha mo siya kaya okay na din sakin." Ani niya na kinamura ko sa utak dahil feeling ko biglang uminit.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko bago umismid at tingnan si Kaide.

"Ayokong maranasan niya na kahit isang beses na mapagkaila." Ani ko.

'Katulad ng nangyari sakin.'

---
Madaling araw palang gumising na ako para maghanda ng breakfast at milk.

Oo gatas pucha nung makita ko yung birthcertificate 3 years old palang pala si Kaide akala ko 5 years old na.

"Mama!"

Muntikan ko ng mahulog yung hawak kong baso ng sumigaw si Kaide pero bago pa ako makalabas ng kusina bumukas na yung kwarto ni Cairo at niluwa nun si Cairo na nagmamadaling pumasok sa kwarto ko.

"Kace ako na timplahan mo na lang siya ng gatas." Ani ni Cairo bago lapitan si Kaide na umiiyak.

Hindi ko alam pero that time...nakita ko ang panibagong side ni Cairo.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ko siyang buhatin si Kaide na humihikbi hikbi.

He was a good father.

Taming the Gangster JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon