o

20 1 0
                                    


Salamat sa pagbasa.

.....

Ngayon lang nag-process sa akin na papakasalan ni Papa si Olive a.k.a ang trying hard niyang girlfriend of five years. Saying I hate her is an understatement. Unang kita ko pa lang sa kanya nanginig na 'yong mga laman loob ko. Of course, no one believed me when I told them she's nothing but a gold-digger. Pati 'yong kapatid ko na nalason na rin yata ang pag-iisip. Hindi ko maitim na panoorin si Papa na pakasalan siya.

Kahit anong gawin ko ay walang makakapagbago sa desisyon ni Papa. He loves her and he's firm about the wedding. Pero kaya ko baguhin ang desisyon ng babae na magpakasal. Inisip ko ito kagabi. I can pull the sabotage of the lifetime para madismaya ito at ma-realize na ganitong klaseng mga tao ang makakasama niya kung itutuloy niya ang kasal.

"Anong gagawin ko dito, Mimi?" Bumalik ako sa realidad sa tanong ng kaibigan kong si Skye.

Binuksan ko 'yong pulang kahon na hawak niya at bumalandra sa akin ang tone-toneladang mamahahaling cosmetics. God. Gaano ka-effective ang pagseseduce niya na puro Chanel at Dior ang nangingibaw dito? "Crush it with the pestle." Gigil kong sabi sabay sarado ng box. "Siguraduhin mong pulbos na lang at hindi niya na magagamit."

Sumaludo ito at dumiretso agad sa kusina. Ako naman, inadmire ko ang proud work ko. Nakakalat ang mga pira-pirasong damit ni Olive sa kung saan-saan. 'Yong mga sapatos niya nakalutang sa pool o di kaya'y ginugupitan ng straps. Mga pabango niya na sa basurahan. . . everywhere is chaotic and I love it.

"Itapon mo 'yan sa pool." utos ko doon sa lalaking may hawak-hawak na lingeries. Nabigla siya pagtawag ko at namula. Well, I'm really popular around guys. "Tapos 'yang Hermes bags? Oo 'yan sa tabi mo. Hermes 'yan. Itapon mo sa kanal o ibigay mo sa mga pulubi sa labas para maibenta nila. Do whatever you want. I don't care."

"Dad will kill you."

Tumalikod ako para harapin ang nagsabi noon. My sister Eleanor is in her school uniform. Nakasimangot at nakabuntot sa kanya si Yaya Mildred. Isa pa 'tong matandang 'to na alipores ni Olive. Akala niya 'di ko alam 'yong mga pinagkukwento niya kay Papa tuwing nakatalikod ako?

"Hello, twinny. Do you like it?" Hinila ko siya para pagmasdan pa ng maigi ang pagsasabotahe. Pinandilatan ko lang si Yaya Mildred nung akmang magcocomment siya. Tumikhim ito. Bakit akala niya need ko opinyon niya?

"You missed school for this?" Tiningnan ako ni Eleanor. "Alam mo bang gagawin ni Papa sa'yo?"

We share the same face, but not the same beliefs apparently. Masyado siyang good-goody, palabasa at manang. I'm the loud one. The rebel. Kahit noong pinapanganak pa lang kami, naikwento ni Mama na hinigop ko daw ang nutrients sa c-section that was more than allowed. Kaya mukhang malnourished baby si Eleanor noong lumabas. Maybe that's the reason why she's so dense.

"What?" Irap ko. "He will threaten to send me to a far away place again? Come on, paso na 'yon."

"Don't provoke him, Mimi." she sighs. Inayos niya ang salamin na nalalaglag na sa ilong."Why don't you just let it go?"

"Let it go?" Matabang ang aking naging tawa. "Hindi ko hahayaan na maging nanay natin 'yong desperado na 'yon!"

"Okay, listen to me," Hinawakan niya ako sa magkabilang- balikat at tiningnan ako sa mata. "I heard them talking last night."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RootedWhere stories live. Discover now