Di nagtagal, umamin sya ng feelings nya para sakin.
Third Quarter na 'to.
Sabi nya sa friends nya sa Japan, I'm nice and kind. (TALAGA! NICE AND KIND PALA AKO EH!!!!! HAHAHAHAH) Pero oo, sabi nya yun. Saka I'm caring daw. Sabi lang nya. :D ♥
Wala akong feelings para sa kanya. Alam nya yun, na wala akong pagtingin para sa kanya. Kahit ganun, binibigyan nya parin ako ng kung ano ano! HAHAHAHA. Ang sweet nya nga, kung ang mga uso nun mga couple's ring or shirt or whatever, yung mga binibigay nya sakin puro love letter. ♥ ♥ ♥
Naappreciate ko naman yun pero wala parin talaga akong feelings para sa kanya. Kahit na pilitin ako ng friends ko, wala parin talaga. :)
May sinalihan kaming competition. Dance Craze. Kaming magkakaklase, mga friends ko saka si Gabe.
Nagkaproblema kami sa costume. Ayun, nagkaaway away kami ng friends ko. Dahil nga nagkaaway away, nagkakampihan sila so wala akong makasama.
Hanggang sa kinausap ko ang president namin na naging kabarkada na din ni Gabe at iba pa naming boys. (PEACE NA KAMI JAN NI ADRIAN, HAHAHAHAHA)
Ako: Adrian, every break time, lunch, dismissal, wala akong kasama. Ayoko namang sumama sa inyong boys, dahil sasabihin nila malandi ako. :(
Adrian: Eh kasi kung noon palang sinagot mo na si Gabe di ka nagiisang ganyan.
Nagtext ako kay Gabe..
"Gabe, do you still like me? Kasi kung oo, tayo na." Alam ko, masama yung ginawa ko. Yung sinagot ko lang sya dahil wala na akong makasama.
Naging kami na nung gabing yun. Feb 8.
Nakokonsensya ako sa ginawa ko, pero wala na akong ibang paraan para matakasan ko ang pagiging alone ko sa school. -.-
Pero sabi nga nila, "Ang pagmamahal, natututunan ng puso."