I have this classmate na sobrang kulit, maingay at grabe kung i describe ang sarili niya.
"Good morning mga classmate, maganda present" saad niya pagkapasok niya palang sa room namin
"Morning" iilang bati ng iba sa kanya
Palagi lagi kapag may gagawin sya o tumpak ang pag recite niya ang laging sagot niya
"Alam ko , oo maganda ako at matalino" bati niya sa sarili niya
"Ang hangin mo talaga" saad ng classmate namin na babae pero kaibigan niya yun kaya normal na din sa kanila ang mag asaran
Lumipas ang mga araw mga buwan palagi niya pa ding ginagawa ang pag bati sa sarili niya
Hanggang sa..
"Good morning sa inyo mga classmate , Maganda pa den present" saad niya kakadating palang niya ang ingay na, dagdag pa diyan late yan
"Kapal" pang aasar ng mga lalaking classmate namin
"Eh maganda naman talaga ako" saka siya umupo sa upuan niya
Malapit ng matapos ang lunch namin saka naghabilin si ma'am na mag rereport daw kami
"Halimbawa siya ang maganda parang mga bituin sa langit" pag bibigay ng halimbawa ni maam sabay turo sa babae
"AHAHAHAHA saan banda yan maganda ma'am" pang aasar ng classmate namin na lalaki siya pa din yun
"Hindi na nga maganda pangit pa ang ugali" sabat pa ng isa niyang kaibigan
Dahil sa sinabi niya nag halakhakan lahat sa kanya , Agad namang lumungkot ang mukha niya dahil sa hiya bumalik siya sa upuan niya at ngumiti ng pilit.
Simula nung nangyari yun hindi na namin naririnig ang bati niya sa umaaga at ang pagbati niya sa sarili niya na kesyo maganda daw siya.
Lumipas ang mga araw naging tahimik na siya at madalang na siyang magsalita sa klase nagbago lahat sa kanya . Ngayon napatunayan ko na minsan kailangan din pala nating hayaan ang mga taong maingay na maging malaya sa gusto nila, hindi man sila kagandahan o kabaitan hayaan natin silang maging masaya.
That girl is me, That girl who always compliment herself she's me.
YOU ARE READING
She's me || ONE SHOT ||
Short StoryPLEASE DO HAVE A FEEDBACK FOR ME TO BE ABLE TO IMPROVE MY STORIES THANK YOU READERS<3