Second day. Pumasok akong umaasang makikita ko na sya sa school. June 8
(8 nga pala monthsary namin! HAHAHAHA! Dahil 8 nung araw na yun, over kabitteran na naman.)
Ayun! Nakita ko sya! Late nga nag-enroll. Dapat nga iba ang section sya, lumipat lang sya sa section ko.
Hindi ko alam kung dahil sa friends nya dun or dahil sakin.
HAHAHAHA! Ang assuming ko naman kung dahil sakin. Pero sana nga dahil sakin..
Pumasok na sya. Lalong pumogi. Matangkad at maputi parin. Well, walang bago inlove padin ang lola mo! HAHAHAHAHAHAHAHA.
Hi.
Sa Hi na yun, parang ngangayon lang kami nagkakilala. Hindi ko alam. Ang awkward lang sa feeling. Siguro sadyang ganun.
Tapos, simula ng araw na yun, nagkakatext na ulit kami. Friends. :)
At dahil friends kami at malandi ako at umaasang magiging kami ulit, kinire ko ng bongga! HAHAHAHA
Dun ulit ako nagservice at kung anu-ano pang pagpapakipot at pagpapapansin.
June 10.
"Mica, will you be my girl, again?"
Yung matagal kong hinihintay ay dumating na.
Naging kami na ulit.
Masayang masaya ako dahil mahal ko talaga si Gabe. Sabi ng ate nya sakin ituloy namin yung 2 months namin. Dahil nagbakasyon lang naman daw sila sa Japan. Sayang din daw. :)
Tinuloy namin yun at masaya talaga ako! HAHAHA.
Masayang masaya ako.