Dealing with the Jerk - LUCKY DAY. NOT. (Retreat Day 01.2)

92 2 2
                                    

Dedicated sa kanya! :D Kasi super naappreciate ko yung comments niya. Hello classmate! Thank you >:D<

------------------------------------------------------------------

Lucky Day. Not. (Retreat Day 01.2)

-------------------------------------------------------------------

Kapag sinuswerte ka nga naman oh.

Sinusundan ako ng malas! Leche. 

Okay, kalma AA. Malanding lalaki lang yang nasa likod mo. Kaservice mo lang siya at kasama mo ng tatlong araw sa retreat. Kalma ka, kumalma kang sexy ka.

Papasok na ako ng classroom at sumalubong ng "Good morning, dear classmates!"

Nakapikit pa yan with level 5 energy.

Pagkamulat ko.. WALANG TAO.

Hayop, meron. Nakatayo dun sa may pinto.

"Mulat kasi pag nabati. Papikit pikit pa, nagmumukha ka tuloy tanga." Sino pa nga ba? Edi yung new student na walang modo.

"Close tayo, aberr? Close?" Nakakairita to ah. Sino ba to?

"Bakit ganyan kang makatingin? Nagagwapuhan ka saken no?" Pagmamayabang niya.

"Hiyang hiya naman ako sayo at close tayo. Lumayas ka sa classroom ko."

"Sungit namang ng presidente." Ngumiti siya ng nang-aasar.

Inirapan ko siya at lumabas ng classroom. Sayang naman yung nilinis naming officers kung ibabato ko lang sa kanya ang eraser, upuan at teacher's table, diba?

Nakakainis. Nasaan ba naman kasi ang mga kaklase ko? Wag mong sabihing nauna na? Excited?

Lakad. Lakad. Lakad. Three steps pa! Lakad. Lakad. Lakad.

Si Crissa ata yun ah.

"Crissa!!" ako yan, at tinatawag ko siya.

"Crissa Vin!!!" Dahil bingi sya, sumigaw na ako.

Lumingon si Crissa at parang nag-aalala. Yung para bang may masamang mangyayari saken?

Kaya naman pala..

Nilapitan ako ng duty na NSTP (Eto yung parang sundalo. Yung C. A. T dati,) ngayon. 

"Silence Ms. Bravo, the mass is going on."  sabi nung isang officer. Mataba siya. Sexy ako.

"Sorry po. I was just out of my mind." Nginitian ko siya. :) Baka naman kasi isipin nito, president na president ako, eskandalosa ako.

"President na president, ang ingay ingay. May pasigaw-sigaw pa. Eskandalosa." 

Nagulat ako sa takot. Grabe naman to! Kung may sakit lang ako sa puso, inatake na ako.

"Ikaw na naman?"

"Obvious ba? Honor student ka ba talaga, bakit ang tanga mo?" Siya yun.

Inirapan ko lang siya at pumunta na ako kay Crissa. Hayop na yon. Agang aga, bubwisitin ako.

"Good morning, AA!" 

"Hay nako Crissa. Walang maganda sa umaga ko kundi ako." -________- nababadtrip talaga ako.

"Oh, what's with the face?"

"Wag mo na lang intindihin. Umm, nakita mo ba classmates ko?"

"Diba kayo yung magreretreat ngayon?"

Baliw to ah. Sinagot ng tanong ang tanong ko. Mga tao nga naman ngayon, ang labo.

"Oo, kami nga bakit? Retreat letter ko uy!"

Dealing with the JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon