LOA S2 Part 45: Utak

1.2K 101 4
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Jan 20, 2020

Part 45: Utak

ACE POV

Hindi ordinaryo ang mga kable na ipinakat sa ulo nila kuya Bart, ayon sa aking program ay isang device na ginagamit sa pag disect ng memorya ng isang nilalang. Hahagilapin nito ang isang ala-ala na ayaw mo nang balikan at saka ipaparanas sa iyo hanggang sa ikaw ay mawala sa control. Ang mga ala-alang pilit nating nililimot at ayaw nang balikan ang ibabalik ng teknolohiyang iyon at ang mas malala ay mamanipulahin nito ang senaryo hanggang sa maging malala at mas nakaka takot. Ang utak ang pinaka makapangyarihang parte ng katawan ng tao, ito ang sanhi ng ating pag kilos at pagiging normal. Alam na alam ni Yukzi kung saan aatakihin ang kanyang kalaban.

Ngayon ay nananatiling naka bulagta sina kuya Bart at kuya Cyan sa lupa, hindi ko alam kung saan parte ng kanilang memorya na focus ang senaryo sa kanilang utak. Gayon pa man ay nabuo ang aking desisyon at plano na wasakin ang device na hawak ng doktor bago pa niya sirain ang utak ng dalawa.

Mula sa aking kinatatayuan ay kinalkula ko ang eksaktong distansiya ng kalaban, kabilang na rito ang bilis ng aking pag kilos at posibilidad na maisagawa ko ang plano sa loob ng naka laang segundo. Ang lahat ay maingat ko kinalkula pati ang posibilidad ng kilos ng kalaban at ang kanyang gagawing counter attack sa aking atake. Ngayon, ang kailangan ko lang gawin ay makalapit sa doktor na baliw at mahawakan ang device na kanyang gamit. Isang hipo lang ang kailangan ko upang makuha ko ang system nito at maihack.

"Ano bata natatakot ka na ba? Huwag kang mag alala dahil pag katapos kong wasakin ang utak ng dalawang kuya mong malilibog ay ikaw ang isusunod ko." ang sigaw niya.

Tumingin ako sa kanya at sumagot. "Okay!" tugon ko at dito ay isinagawa ko ang aking pag kilos, nawala ako sa kanyang paningin na kanyang ikinagulat. Noong makita niya akong tumatakbo patungo sa kanya ay dumistansiya ito at pinaulanan ako ng mga patalim na sumasabog kapag tumatama sa lupa.

Hindi naman ako natinag, sinasangga ko ang mga ito at dahil nakataas ang aking armor ay walang bisa kung sabugan man ako ng patalim sa katawan o sa mga braso. "Makulit ka ha! Ano ba ang gusto mong patunayan? Sana ay marunong ka sumunod sa utos ng nakatatanda sa iyo!!" ang sigaw ng doktor at dito ay sumagupa na siya sa akin, hawak niya ang kanyang gunting at kutsilyo. Close combat ang kanyang ginawa, mabilis at walang tigil na pag atake upang hatiin ang aking kalamnan.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon