Magic 4

23 1 0
                                    

Nang gabing yun, halos hindi na ako makatulog dahil kung ano anong napasok sa isip ko. Sa tinagal tagal ko dito ngayon lang nangyari yun ah? pero pinilit kong matulog ng nakatalukbong ang ulo. Mahirap na.

Kinaumagahan kinuha ko yung mga naiwan ko sa labas na libro at sapin. Pag katapos ay kumilos na agad ako para pumasok.

Pag dating ko sa School ay agad akong dumeretso sa classroom kung saan ang aga palang ay sobrang ingay na. Nag lakad ako deretso sa upuan ko at kumuha ng libro at nag basa kaso maya maya ay may pumunta sa harapan ko. Ano na naman to?

"Good morning, Capella!" Nakangiting bati ni Kylere. Tinignan ko sya saglit at binalik ang tingin sa libro ko. Agang  aga nang iinis.

"Ang sungit mo hahahaha hindi ka naman nganyan diba? Lagi ka kayang nakangiti at nag kukwento" Natutuwang sabi nya pero teka? ano daw? How did he know?

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

"Lagi kang nag kwekwento at tumatawa pero may times na umiiyak ka. Kaya nag tataka ako na ganyan ka kasungit ngayon." Nakangiti pa ring sagot nya. H-how?

"Saan mo nalaman yan? Bakit ba ang dami mong alam sakin? Sino ka ba?" Naiinis at nalilitong tanong ko.

Isang ngiti at kindat kang ang sinagot nya sa akin bago bumalik sa upuan nya. What the?

Tinignan ko sa nang makaupo na sya pero makikipag tawanan at kwentuhan na sya sa mga katabi nya. Sino kaba talaga?

Habang nag didiscuss ay wala ang isip ko sa klase. Nag tataka talaga ako. Wala naman akong nakakausap dito sa school kaya im sure na walang mag sasabi sa kanya. Wala din naman akong nakakasalamuha na kahit sino. Wala din naman akong nakakausap sa bahay dahil mag isa lang ako. Kagabi yung weird na boses na narinig ko and now si Kylere naman. Ano ba talagang nangyayari?

Natapos ang klase ng wala akong natutuhan. Badtrip. Dumeretso ako sa library dahil sa totoo lang sobrang lutang ko ngayon. Ang dami kong naiisip.

Pag dating ko sa library ay doon uli ako pumunta sa dulo. Hindi ako nag babasa kagaya ng nakasanayan ko kaya naman nakatitig lang ako sa kung saan. Weird. Weird. Weird. Weird. Yan lang ang paulit-ulit na napasok sa isip ko. Napatigil ako sa pag iisip ng may pangahas na nang istorbo na naman.

"Lalim ng iniisip ah?" Nakangiting tanong nya habang umuupo sa upunan na nasa harap ko.

"Ano bang pakialam mo? Tsaka bakit kaba nanggugulo? Pwede ba hindi ko naman sinabing umupo ka dyan ah?" Naiiritang sabi ko. Bakit ba lagi tong sumusulpot?

"Hahahahaha ibang iba ka talaga pag nasa school no? Tamang tama nga yung kwento mo. Wala kang kaibigan at madalas nandito ka lang. Deretso uwi ka lang lagi tt ginuguhol mo lagi ang oras mo sa pag babasa especially about stars." Nakatitig na kwento nya. Napatayo ako dahil sa gulat. WHAT THE??!! PANO NYA NALAMAN LAHAT YUN?!

"PANO MO NALAMAN LAHAT YUN?! STALKER BA KITA? SINO KA BA? O ANO KA BA?!" Nagugulat na sigaw ko at dahil din sa gulat ay sinaway ako ng librarian at pinalabas ng library.

Pag labas ko ay halo halo na ang nararamdaman ko. Ano ba talaga? Sino ba sya? Ano bang alam nya?

Naramdaman kong may sumunod sa akin at nakipag titigan ako sa kanya.

"Look up and learn to observe." Nakahulugang sabi nya at umalis na.

Ano daw?

Lumipas ang mag hapon na lutang na lutang ako. Maski sa pag uwi ay lutang parin. Hindi ako nakakain sa pag iisip. Pag kauwi ko ay nag bihis lang ako at humiga na. Good thing sabado bukas at wala akong pasok dahil siguradong mapupuyat ako.

Magic that lies within youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon