*Deisa's pov*
Grabe na to! May pasok pa kami bukas ni Marky.. pero eto 3 am na at magka-chat pa din kami. Narealize ko lang ang saya pala kausap netong Marky Porky na to .
We talked about nonsense stuffs. Anything under the sun lang pero nakakatawa kasi pareho kaming interesado sa kung anu-ano lang.
"So tayo na ba?" He asked Wahhhhhhhhh..
"Siguro?" Di ko alam kung sagot ba yan kasi wala namang akong nalinawang bagay. Hehheh
"Oi wag ka nang choosy diyan ahh." Sabeeehh? XD
"Baliw! Ayoko lang naman kasi na pumasok na naman agad-agad sa mga relationship na yan. "
" Don't worry.. aantayin kita :)" sana nga Marky.
---------------
Pagkadating ko sa school.. Ng late :( nakita ko na may rubiks cube competition pala ngayon dito sa school namin. Tae! Di ako nainformed baka on the spot nanaman kanta ko nito haha ang feeler ko talaga :)
"Oi Deisa! Late ka nanaman :)" -dianne
"Nagtaka ka pa? Ganyan naman lagi yan ehh. "-jhona
"CHE! Ang bully niyo parehas :( "
"Asan na banner mo? Tulungan ka namin ni jhona maghawak." Anong banner pinagsasabi nitong dianne na to? Gutom nanaman siguro.
"Ui. Banner. Nasan na? " pati pa tong jhona na to. Pinagtritripan ba nila ako? Tae kung project yun wala na ako maipapasaaaaaaa wawa -_-
Binigyan ko sila ng Ano-pinagsasabi-niyo-diyan look.
"Grabe anong klaseng gf ka ha! Di mo alam kasali si Marky sa rubiks competition." Sabi ni dianne..
@-@ whattttt? Eh napuyat kaming dalawa kagabi ahhh.. (oi wag green! Magkatext nga diba?)
Tsk.tsk.tsk.
Sabay pa tong dalawang to. Makatingin sakin kala mo naman may sobrang laki akong kasalanan hayssss.
Nakita ko nga si Marky Bilog sa stage. Tinititigan ako.. Kawawa naman siya sana di ko nalang pinuyat kagabi! (Do I need to explain this again? Depensib XD :) )
I mouthed "kaya mo yan!" Tapos ngumiti siya.. ITS WEIRD KASI KINILIG AKOOOO hahaha
Nag-start na yung competition.. pabilisan bumuo ng rubiks.. ang bibilis nila. Yung unang limang matatapos pasok sa 2nd round. Tapos maglalaban yung lima para malaman kung sino yung final two na maglalaban para sa championship gets? Haha basta ganun :)
Cheer ng cheer tong mga kaibigan ko.. kala mo naman babalatuhan sila kapag nanalo. Tss.
Di ko na napigilan! Napa-sigaw ako kasi kasama siya sa top 5! Ang galing ng Porky ko!!!
Sobrang concentrate ako sa pagche-cheer sa isip ko heheheh. Baka madistract siya ehh kaya quiet lang me :)
WOoohhhhh! Kasali siya sa championship!!!! At ang kalaban niya ay si DEAN?!!!
-------------
Marky's pov
Kailangan ko galingan! Nanonood si Deisa.. tsaka kalaban ko yung Dean na yun. Di ako pwedeng matalo tsaka bago magsimula tong conpetition Kinamayan ako nung mayabang na yun.
"May the best man win" daw. Ewan ko ah pero parang di lang tong larong to pinaglalabanan namin. Kung di ko siya matatalo sa ganito kadaling laro paano pa kaya kay Deisa diba?
Di naman sa kumpetisyon lang si Deisa, sadyang siya lang kasi ang premyo na kahit buhay ko itataya ko. Ayieeee. Kadiri ang lambing ko. Ano ba ginawa sakin ng babaeng siga na yun?
------------
Nagbreak lang ng 15 mins bago yung championship. Pero itong si Marky na to patawa-tawa pa. Mas kinakabahan pa ata ako sa kanya.. pano ba naman sabihin ba naman na kiss daw dapat premyo niya!! Manyak talaga! Grrrrrr!
"Deisa mamaya ahh :)" may pataas-taas pa siya ng kilay.. ewwness :P
"Kadiri ka!! Layoooo!" Inaasar pa rin niya ako.
Tinawag na siya sa stage.. bago siya umakyat ulit. Lumapit siya sakin at hinawi niya yung buhok ko. Tapos hinalikan niya ako.... sa noo. :> Nagnakaw pa ng kiss pampaswerte daw :/
"I love you Deisa, para sayo to :)" tapos may nilagay siyang santan sa palad ko. Sabay takbo sa stage.
Napangiti ako.. ang sweet haha
Nagstart na sila.. habang nagbubuo ng rubiks nakatingin pa rin siya sakin.. nag-ngingitian kami.. mukha kaming sira hahahah
Malapit na niya mabuo 3 moves nalang champion na siya.
I mouthed " I love you " nagulat ako sa sinabi ko at parang ganun din siya kasi bigla siyang nag-stop.
Tapos ayun NANALO kalaban niya hahahha feeling ko kasalanan ko ehh! :") hahah
Nakita ko silang nagshakehands ni Dean tapos ngumisi si dean pero ngumiti lang si Marky.
Pagkababa ni Marky sa stage lumapit agad ako sa kanya... tapos nagsorry ako..
"Walang sorry-sorry! Natalo ako dahil sayo.. kailangan mo pagbayaran yun! Kiss mo ako." Tinuro pa niya pisngi niya. " sa pisngi lang ahh! Baka mananching ka!"
"Kapal! Ikaw nga nanghihingi ng kiss diyan ehhh!" Nakakaasar pero pinagbigyan ko na kasalanan ko naman talaga ehhh!!
"Yes! Nanalo akoooo wohhhh! Talo ko siya! " sabi ni marky? Huh? Nabaliw na ata to? Biglang nagsisigaw?
Hinihingal pa siya.. "panalo ako! Kasi sa wakas ako na mahal mo!!!"
"Baliw!" Wala na ako pakialam kung madaming nakakakita sa paghalik ko kay Marky tutal sa pisngi lang naman ehh.
"I love you" ayan na naman nagngitian na naman kami na parang baliw.
EWWWWWWWWWWW
sabay na sabi ng mga friends ko .. hahaha mga bitter mode nanaman sila :)
Nagulat nalang ako ng lumapit samin si Dean sabagay kaibigan niya din si jhona at dianne.
"Pwede ko ba makausap si Deisa?"- Dean
"Pwede naman, walang pumipigil sayo." Sunget ni Marky :(
"Ng kami lang dalawa?" Huh?
Sasagot pa dapat si Marky pero pinigilan ko siya.
"Dean, kung ano man pag-uusapan natin. Siguro naman ok lang na marinig ng mga kaibigan ko diba AT ng BOYFRIEND ko."
"Gusto ko lang itanong kung tapos na ba ang laban." Hindi naman ako manhid o tanga para di malaman kung anong laban ang sinasabi niya at hindi yun ang rubiks conpetition.
"Una palang wala ng laban Dean. Kasi bago pa man magsimula ang laban gumive-up ka na."
"Naiintindihan ko.. so friends?"
"I don't know. I want to pero I know na ang mga taong nagkaroon na ng gap mahirap na ibalik yung friendship.. siguro instead na maging friends, we can be civilized persons diba."
Di na siya sumagot.. ganyan naman siya ehh Tinalikuran niya ako. THIS will be the last time na papanoorin ko ang unti-unti niyang pag-iwan sakin.
"I hope your worth-it." Tapos ngumiti ako kay Marky. Please Marky don't waste this chance I'm giving you.
--------------
BINABASA MO ANG
My 200 Pound Prince
Humor"Love is blind" sabi nila pero sabi ko "Love makes you see everything clearer." Know why? kasi dahil sa love mas nakikita natin ung tunay na nilalaman ng puso kesa sa gusto lang makita ng mata.. Tall,Dark and Handsome.. Huwaw! Dreamguy ng lahat ng m...