1

9 0 0
                                    

Alex Pov

Kauuwi ko lang ng bahay ng tumawag si mama sa akin.

"Bakit ma, napatawag ka?" tanong ko kay mama

"Anak, di ka ba uuwi para sa 3rd death anniversary ng papa mo." sagot ni mama sa akin

Tatlong taon, simula ng iwan kame ni papa, alam ko naman na para sa amin yun kaya siya nagsusumikap magtrabaho para sa aming pamilya, pero ng dahil sa pagiging piloto niya namatay siya at iniwan kame, kaya palagi kong tinatatak sa utak ko na hindi ako mag-aasawa o magboboyfriend ng piloto, never in my life.

"Anak andiyan ka pa ba." sabi ni mama sa akin

"Oo naman ma, may naisip lang kase ako hehe." sagot ko kay mama

"Nak alam ko naman na hanggang ngayon na di mo pa rin tanggap ang pagkawala ng papa mo." sabi sa akin ni mama

"Ma naman, tanggap ko na kaso masakit pa rin kase hanggang ngayon sa akin na wala na si papa." sagot ko kay mama

"Alam ko naman yun anak, pero alam mo naman na hindi matutuwa ang papa mo pag nakikita  niyang malungkot ang nag iisa niyang prinsesa." paliwang sa akin ni mama

"Ma naman eh pinapaiyak mo na naman ako." sabi ko kay mama habang tumatawa para maitago ang sakit na nararamdaman ko kahit tatlong taon na ang nakalipas nung namatay si papa

"Nako Alexandra Marie uuwi ka ba, miss ka ng kapatid mo at miss na rin kita." sabi ni mama sa akin

Kainis naman, sinabi na naman ni mama ang buong pangalan ko eh alam niya naman ayaw ko ng tinatawag ako ng iba doon maliban kay papa.

"Oo ma uuwi ako this month siguro para naman makapagpahinga ako." sagot ko kay mama

"O siya sige siguraduhin mo na uuwi ka Alex, ang tagal ka naming hindi nakita ng kapatid mo." sabi ni mama

"Oo mama promise uuwi ako, tawagan na lang kita kung kailan ako uuwi." sagot ko kay mama

"Sige na anak ingat ka palagi diyan tandaan mo na mahal na mahal kita at ng kapatid mo." sabi ni mama sa akin

"Sige ma bye, mahal ko rin kayo ni bunso." sagot ko kay mama at pinatay ang tawag

Gustong gusto ko na talagang umuwi sa amin kaso nahihirapan pa ako dahil nga wala na si papa, siya kase palagi ang sumusundo sa akin sa terminal o airport pag uuwi ako dati, pero ngayon wala na, bwisit na trahabo yang pilotong yan, ng dahil sa trabaho na yan, biglang namatay ang tatay ko, kaya nga palagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako mag-aasawa o magboboyfriend ng piloto.

Biglang nagring yung cellphone ko, pagkakita ko si kyla yung kaibigan kong flight attendant.

"Alex, dederetso na ako diyan sa condo mo ngayon diyan ako matutulog ngayong gabi." sabi ni kyla sa akin

"Yan tayo eh, kilala lang ako pag may kailangan." nagtatampong sagot ko  kay kyla

"Nako alex tigilan mo ako diyang sa kaartehan mo, pagod na ako tsaka gusto ko ng matulog." sabi ni kyla sa akin

"Oo na, lagi namang ganyan gurl,kung di makikitulog makikikain, nako sayang lang yung condo mo kung dito ka rin pala sa condo ko nakikitulog at nakikikain." mahabang sabi ko kay kyla

"Sige na baba ko ng itong tawag, kita na lang tayo mamaya sa condo mo." sabi ni kyla sa akin

"Sige see you." sabi ko tsaka pinatay ang tawag

Pagkatapos ng usapan namin ni kyla pumunta na ako sa kwarto ko para makapagbihis na at magluto ng dinner. Dadadakan na naman ako ni kyla pag nakarating na naman siya dito ng walang nakikitang matinong pagkain. Kulang na nga lang ampunin ko yan si kyla, may sarili naman siyang condo pero once a week niya lang itong pinupuntahan, alam ko naman na palagi niyang iniiwasan ang nanay niya na laging nagpupunta sa condo niya, di ko rin alam diyan kay kyla kung bakit ayaw kausapin ang nanay niya, kaloka krin talaga ang buhay ng babaeng yun pang teleserye.

Narining kong bumukas yung pintuan sa harap, ibig sabihin andito na si kyla.

"Hay buhay, kapagod." sabi ni kyla sa akin at agad na humiga sa sofa ko sa salas

"Sino ba kaseng nagsabing mag FA ka gurl." sabi ko kay kyla

"Nako alex wag mo akong sermonan ngayon dahil mainit ang ulo ko." sabi ni kyla sa akin

"Bakit may nangyari na naman sa flight mo ngayon ano?" tanong ko

"Nakakainis kase yung malditang babae kanina sa airport, eh hindi ko naman sinasadya na banggain siya bwicit." sagot ni kyla sa akin

"Hayaan mo na girl wag mo ng patulan." sabi ko

"Anong hindi patulan, eh akala niya nga kanina kung sino siya, ang dami daming sinasabi sa akin akala mo kung siya yung nagpapakain sa akin para pagsalitaan ako ng ganon." mahabang paliwanag ni kyla

"Kalimutan mo na yun, halika na dito at kumain na tayo bago matulog." sabi ko

"Kamusta naman ang trabaho mo?" tanong sa akin ni kyla

"Okay naman, pero kukuha ako ng leave ko next month, uuwi ako ng Ilocos." sagot ko kay kyla

"At saan ka naman pupunta at magleleave ka?" tanong ulit ni kyla sa akin habang punong puno ng pagkain yung bibig niya

"Ikaw talaga punong puno yang bibig mo satsat ka ng satsat." sabi ko

"Pero saan ka nga pupunta at bakit ka magleleave?" tanong ulit ni kyla sa akin

"Uuwi ako ng Ilocos next month death anniversary ni papa." sagot ko kay kyla

"Akala ko ba ayaw mo pa umuwi sa atin?" tanong uli ni kyla

"Hindi naman kase pwede na habang buhay na hindi ako uuwi sa atin, tsaka nag promise na ako kay mama na uuwi ako." sagot ko kay kyla

"Makapag leave nga rin at para makauwi ng Ilocos gusto ko mag unwind ka stress sa trabaho." sabi ni kyla

"Sige mag leave ka na rin para sabay na tayong umuwi." sabi ko

Tapos na kaming kumain at naghugas ng pingakainan namin.

"Kyla tulog na ako." sabi ko kyla tsaka pumasok sa kwarto ko

Habang nakahiga sa ako kama ko narining ko na kausap ni kyla yung boyfriend.

"I love you." huli kong narinig na sabi ni kyla sa boyfriend biya bago ako nakatulog.

Unexpected DestinedWhere stories live. Discover now