It's amazing how brokenness can eventually turn into something wonderful.
Something amazing
And, something unforgettable.
"Bal, tingin ka lang nang deretso, okay? Huwag kang ma-distract sa mga nasa gilid mo. Basta, para hindi ka mahulog, tingin ka lang nang deretso." He reminded me a lot of times na tumingin lang nang deretso. I envy those people who were being taught on how to use a bicycle in such a young age dahil ngayon ko pa lang 'yon mae-experience sa tanang buhay ko. It's not that bad at all, because I am learning it with him.
I nodded as I flashed my bright smile to him. Huminga ako nang malalim at hinanda ang sarili ko para sa unang padyak ko. Katulad ng mga sinabi niya, I set my eyes on the road. At first, the fear that I felt was being replaced with laughter.
"Bal! Hoy! Balik ka dito sa'kin!" He shouted from afar. Masiyado akong nasiyahan sa pagb-bike. Kinawayan ko siya at tinahak ko ang daan gamit ang pagpapadyak. Saktong tumigil ako sa harap niya at hinihingal. Nginitian niya ako at pinat sa ulo.
Sabi nila, huwag kang humanap ng gamot sa ibang tao. Delikado raw kasi. You are responsible for your own healing, dagdag pa nila. Kahit na hindi mo naman kasalanan o sadya na masaktan, you are still in charge of mending your wounds.
Pero, paano kung bigla na lang dumating ang gamot mo?
Sa panahong hindi mo talaga kayang gamutin ang sarili mo.
I looked into our intertwined fingers as we head in my house. Nakasanayan niya na laging ihatid ako sa bahay namin. Hindi raw siya kumportable sa tuwing hindi niya ako nahahatid.
"I'll see you tomorrow, bal." He faced me. Kahit na malamig na ang simoy ng hangin at madilim na, he still radiates from inside and out.
"I'll see you tomorrow," I replied and closed my eyes. He kissed my forehead. Sa bawat matatapos ang araw, 'yon ang pinakagusto kong ginagawa niya. Kapag hinahalikan niya ang noo ko. Sa simpleng halik na 'yon, nararamdaman kong safe ako.
Nararamdaman kong unti unti akong nabubuo.
And, this man did everything to build me slowly as I started to heal him too.
I fixated my eyes on him. Sa kaniya lang. As I walked into him, the words inside my head flashed when he taught me on how to bike.
Tingin lang ng deretso... Para hindi ka mahulog.
Pero, bakit sa tagal nang pagtitig ko sa kaniya, the more I fall...
The more I ask him to catch me.
But, the thing is... His eyes say otherwise. His stares say otherwise, because I could feel that they don't share the same emotions as what my eyes are saying.
Habang palapit ako nang palapit sa kaniya, nakita kong ngumiti siya nang malungkot sa'kin. I wonder why because for me, he is the most handsome man in this enclosed and dim area.
When I reached for his hand, that was the time when I felt for the very first time in a while... That I'm whole again. That the old me who was broken faded.
"Bal, why are you sad? Smile." Nilagay ko ang dalawang index finger ko sa labi niya. Forming a smile on his lips. Nakita kong nangilid ang mga mata niya sa ginawa ko.
"I'm sorry, bal..."
Nilagay niya ang kaniyang ulo sa leeg ko. He started to sob in my shoulders, while I'm being left with questions inside my head.
"What's the matter, bal?" I hugged him tight in my arms.
Narinig kong huminga siya nang malalim. Kinabahan na rin ako sa inakto niya kaya niluwangan ko ang pagyakap ko sa kaniya. When he faced me, he kissed my forehead.
"Buntis si Louisse... Ako ang ama."
Baka naman sa una ko lang inassume...
Sa una ko lang naisip
Kung nabuo ko na siya
"Bal, stop joking. What are you saying? Malayo pa ang April Fools, oh." I tried to fake a smile, pero sa kaloob looban ko, sumisikip ng sobra ang puso ko.
"I hope I was joking... Sana nanaginip na lang din ako, bal. Pero, hindi... Last month pa kami muling nagkausap ni Louisse. At hindi ko napigilang mahulog ulit sa kaniya... Hindi ko alam, bal. Naguguluhan ako noong una, dahil sure na ako sa nararamdaman ko, pero hindi ko alam anong nangyari. I'm sorry. I really do."
Ang lahat nang pagpipigil ko ay natapos nang mas lalo niyang kumpirmahin ulit ang lahat. Akala ko ay katulad ko siya. Na deretso lang ang tingin namin sa bawat isa. Pero, hindi. He was distracted and fell...
for someone else.
"Sure ka sa nararamdaman mo sa'kin? Pero, bakit ka nagduda noong bumalik ang nauna?" Nabasag ang boses ko habang tinatanong ang mga katagang 'yon. Walang wala ito sa sakit na naranasan ko noong una.
The pain I felt before was pure pain. Nothing else.
But, this time... The pain that I'm feeling right now is accompanied by the pain of betrayal. My enormous pain disguised as my cure. Delikado nga.
"Pero, bal. Maniwala ka. Mahal kita. Minahal kita. Pero, hindi ko kayang lokohin ang sarili ko. Hindi ko kayang paniwalain ang sarili ko na kahit katiting, wala na akong nararamdaman sa kaniya,"
Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
Sa tuwing ako'y nakatingin sa'yo
Maaari bang huwag kang humiwalay
Dahil sandali na lang
"Minahal, bal. Minahal."
Kung hindi ngayon
Aasa bang maibabalik ang kahapon?
"Hindi kita masisisi. Ano bang laban ko sa nauna, bal? Wala akong laban, dahil unang una pa lang, alam kong talo na ako sa kaniya. Pero, habang unti unti kitang minamahal, isinasantabi ko ang mga 'yon. Ang mga katanungan na... What if... Hindi pa talaga siya nakaka move on? What if... Mahal niya pa yung ex niya,"
Sa huling pagkakataon
Na ika'y magiging akin
"You were my cure. Pero, hindi ko inexpect na ikaw din ang magc-cause nang mas malaking sugat ko. I also thought... I was your cure. But, I thought wrong. I guess, the only person who can heal you aside from yourself, is the one who broke your heart as well,"