✧ 011

522 41 19
                                    

YOOJIN'S

"Hello, Jeohyun? Hoy, So Jeohyun? Ano ba, nasan ka na ho―" call ended na pala amp.

Bat naman ako binabaan non?! Siya 'tong dumadaldal about kay Junkyu tapos bigla akong binabaan.

Nandito lang ako sa apartment ko, nakahiga sa sofa. Hays, akala niyo masaya? Di din, feeling ko wala na akong alam sa buhay kundi humiga hng.

Gusto ko din maranasan kung pano maging middle highschool! Bwisit kasi, pinag-homeschool nga ako pero lagi namang nasa office ng Papa ko. Ano kaya use non? Pfft.

Sana naging normal na lang din ako tulad ni Jeohyun.

Edi sana wala akong mga mabibigat na problema ngayon. Edi sana nagrereklamo lang din ako katulad ni Jeohyun about sa schoolworks at mga kaklase ko. Edi sana walang..

Napabuga na lang ako ng hangin sa pag-iisip ko. Sana nga di na lang ako naging mayaman.

Pindot na lang ako ng pindot dito sa remote ko. Wala na akong mapanood, kainis. Lahat na lang ata ng palabas, napanood ko na. Di din naman ako pwedeng lumabas ng mag-isa, baka mamaya may makapansin pa sakin.

Buti na lang talaga at nandiyan si Jeohyun, siya na lang ang mapapagkatiwalaan kong kaibigan ngayon. Siya lang din naman kasi yung nag-iisang kaibigan ko lol.

Wala eh.

Once upon a time, may prinsesang na-trap sa isang tower na walang way pababa. Di din mahaba ang buhok niya kaya ayun, she decided na tumalon. Wala siyang pake sa pwedeng mangyari pagkatapos, basta ang inaalala niya lang ay ang maka-escape sa tower na 'yon. And that princess, ako 'yon.

"Kung ano-ano nanaman naiisip ko. Nasan na ba kasi si Jeohyun?!" sabi ko sa sarili.

Nasan na nga ba yung babaeng 'yon?! Sabi niya nasa elevator na siya ah! Dapat talaga kasi sinundo ko na lang siya sa baba.

Di tumagal ay may nag-doorbell na sa pintuan ko. Di ko na titignan kung sino 'yon, alam kong si Jeohyun lang din naman ang pupunta dito. Sunod-sunod siyang nag-doorbell, grabe.

Di makapaghintay teh?

"Teka!" sigaw ko ng malakas.

Agad akong umalis sa sofa na hinihigaan ko kanina pa. Patakbo akong pumunta sa may pinto at binuksan ang pinto. Napangiti agad ako ng makita kong si Jeohyun 'yon.

Kaso yung mukha niya parang problemado.

"Oh, bat ganyan mukha mo?"

"Ah.. A-Ano kasi, Yoojin.."

"Anong―"

Napatigil ako ng may biglang sumulpot sa likod ni Jeohyun. Isang lalaki na nakangisi. Napanganga na lang ako sa nakita ko.

He chuckled at my reaction, at ngumiti ng abot tenga.

"Annyeonghaseyo, Song Yoojin-ah!"

Kim fucking Junkyu.. Bakit siya nandito?!

 Bakit siya nandito?!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WHITE RABBIT 'ʲᵘⁿᵏʸᵘTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon