[Third Person]
DUMATING ang nasa dalawampung security personnel ng mall at pinalibutan si Pierre na buhat pa rin si Adara. Sa dami ng mga fans at reporters na pilit nagsusumiksik makita ang kanilang idolo ay halos hindi sila mapigilan sa pagkuha ng mga larawan at video.
"Tumabi kayo! Tabi!" sigaw ng mga guwardyang umaalalay sa kanila palabas sa dagat ng tao.
"Dahan-dahan lang, sir, nasa labas na ang ambulansyang magdadala sa asawa niyo sa ospital," sabi ng isang security.
Kinagat ni Pierre ang ibabang labi niya para pigilan ang kaniyang pagtawa habang si Adara naman ay walang magawa kundi ang manahimik at takpan ang kaniyang mukha. Pagdating nila sa parking sa likod ng mall ay naroon nga ang ambulansya. Maingat na isinakay si Adara sa stretcher at sumunod naman si Pierre sa loob.
Pagsara ng pinto ay mabilis na tumayo si Adara at tinanggal ang unan na nasa kaniyang tiyan. Nag-aalala at kinakabahan siyang tumingin kay Pierre.
"A-Ano na lang sasabihin ng mga tao kapag... kapag may lumabas na pictures ko kasama ka tapos malaki ang tiyan ko?!" naghi-hysterical niyang tanong.
Isinandal ni Pierre ang likod at bahagyang natawa sa pagpa-panic ni Adara. "Mukhang lugi ka pa ah? Ikaw artista sa'ting dalawa?"
Sumimangot si Adara nang ma-realize niyang tama nga ang sinabi nito. May point nga naman si Pierre dahil kapag may lumabas na hindi magandang balita tungkol dito ay siguradong makaaapekto sa career nito. Sa dami ng mga babaeng humahanga sa kaniya ay tiyak na mababaliw ang mga iyon sa pinagsisigaw ni Pierre kanina. Napasapo sa kaniyang noo si Adara. Kapag nakarating pa ito sa management, baka pati ang kinabukasan niya ay malagay sa alanganin.
"Oo na, ikaw na pinakalugi sa'ting dalawa," she admitted. "Kung bakit ka naman kasi nagpatumba? Kung nakaalis sana tayo kaagad e di sana wala tayong problema ngayon."
"Sino ba kasing tanga ang nanganganak nang katulad nung ginawa mo? Ang sabi ko sa'yo kanina umiri ka hindi mag-tantrums," inilapit niya sa akin iyong cellphone niya at may ipinakitang video ko kanina na kumakalat na ngayon sa internet.
"Ahhh!" sigaw ko sa sobrang kahihiyan. Paano ba naman kasi?! Mas mukha akong kinikidnap kaysa nanganganak! "Aba malay ko ba kasi paano manganak?"
"Kaunting utak lang naman para malaman 'yon. Hindi ka ba nanonood ng TV? Movie? Wala ka bang nababalitaang kahit chismis lang sa tanang buhay mo kung paano manganak?"
"Di naman kasi ako chismosa," bulong pa niyang sagot.
Napapikit na lang nang mariin si Pierre. "Wala na 'kong masabi sa'yo."
Napapitlag si Adara sa biglaang malakas na pagkanta ng kaniyang cellphone. Nanlalaki ang mga mata niyang tila nakakita ng multo at tumingin kay Pierre habang itinuturo ang phone niyang nagri-ring. "S-Si..."
Kinuha ni Pierre ang cellphone saka sinagot at ni-loud speaker. Ibinalik niya ito kay Adara. Mas nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito at ang loko ay mukhang nasisiyahan pang panoorin siyang ma-stress!
[Adara? Hello? Adara? Are you there?]
"G-Good eveni—"
[God! Finally you answered! I've been calling Pierre a million times!] sigaw nito mula sa kabilang linya. Nagkibit balikat lang si Pierre sa sinabing ito ng kaniyang manager.
"Don't worry, Ms. Dette. Kasama ko siya ngayon."
[That's the bigger problem, Adara! Ano bang pinaggagagawa niyo ni Pierre?! Have you seen the news already?! He's trending worldwide and his fans are furious as hell with the news of you both!]
BINABASA MO ANG
STS #1: Dauntless [COMPLETED]
عاطفية[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor Almendras down. But as they dig deeper into his corrupt and illegal ways, they find themselves tang...