The Adventures of Kulas Einstein

191 8 6
                                    

          Si Kulas Einstein ay isang napakabobo este napakatalinong bata. Siya ay ipinanganak noong Pebrero 29, 1998 sa isang banyo nang mapaebak ang kaniyang nanay at sa katunayan ay muntik pa ngang mai flash sa toilet. Lumaking masunurin at mabait si Kulas, siya rin ay matalinong bata at mag – aaral, sa katunayan lagi siyang pang THIRD sa kanilang magkakaklase (tatlo lang silang magkakaklase).

          Nagsimula ang nakakainis este nakakatawang kuwento ni Kulas sa pagpasok niya sa High School sa Bulok na Bayabas High School sa kanilang lugar.

          Sa unang araw ng klase ay pinag grupo grupo sila nung kanilang guro sa tig dadalawa, upang mahasa raw ang galing nila sa wikang Filipino. Ang isa ay mag iingles at isasalin naman sa wikang Filipino nung isa. Nakagrupo ni Kulas si Torling, si Kulas ang nagsilbing translator. Ito ang performance nilang dalawa:

Torling: Lets help one another.

 Kulas: Tayo’y magtulungan.

Torling: Let’s strive together.

Kulas: Tayo’y magsikap.

Torling: …because in union there is strength.

Kulas: …dahil sa sibuyas may titigas!

          Pinagtawanan sila nang buong klase dahil sa nangyari at nainis ang kanilang guro at sa sobrang inis ay nag resign na ito agad agad (O.A. lang?).

          Sa recess, may nakita siyang drinking well at naisipan niyang uminom dito at may napadaan na amerikano dito, si Buboy Dimakulangan (kanong kana ah). Tinanong niya si Kulas kung bakit siya doon umiinom.

Amerikano : You drink that water?

Kulas : Oo naman, bakit? Sa America ba chine-chew?

          Napahiya ang Amerikano sa milyong milyong estudyante ng Bulok na Bayabas National High School at dahil sa sobrang hiya ay nagpakasagasa siya sa isang pedikab, ngunit hindi siya parin siya namatay kaya magbibigti sana siya sa bahay nila ngunit may natapakan siyang balat ng saging at nadulas siya hanggang sa mabagok sa isang igneous rock na nakakalat sa daan.

          Sa pagpasok ni Kulas sa English Class niya, ay nag aaral sila tungkol sa mga trabaho ng matatanda, kaya interesadong interesadi siya dahil alam niyang magiging madali ang aralin na ito. Hanggang sa tinanong siya ng kanilang guro:

TEACHER : Kulas, what do you call a person who keeps on talking even when people are no longer listening?

Kulas : A teacher!

          May katandaan na ang teacher na iyon at mayroon siyang sakit sa puso, sa sobrang inis sa sinagot ni Kulas ay lumabas ito at pumunta sa may kalsada. May narinig ang mga estudyante na kalabog ng tila nasagasaan ng trak BOOM!!!, BOOM!!!, BOOM!!!, ……………………………………………………….   Narinig din ito ng teacher na may sakit sa puso at nakita kaya inatake siya ng sakit sa puso at nagging sanhi ng kanyang kamatayan.

          Uwian na sa wakas, kaya masayang Masaya si Kulas dahil naging maganda ang unang araw niya sa klase wala ngang masyadong namatay dahil sa kaniya. Mayroon silang assignment kaya agad niya itong ginawa. Ngunit bago iyon ay ipinakita niya sa kaniyang nana yang test paper nila kanina,

Nanay: Anak, anong itong F sa card mo ha?

Kulas: Inay, ang ibig sabihin po niyan ay Fasado!

Nanay : Ah ok akala ko Ferfect.

           Ooooooooooooooppppppppppssssssss……………………………….  Akala ninyo magpapakamatay si Kulas dahil sa katalinuhan ng kaniyang nanay???????????  Hindi , siya ang bida ay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Adventures of Kulas EinsteinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon