LOA S2 Part 51: Guhit

1K 87 7
                                    


PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Jan 23, 2020

Part 51: Guhit

NARDING POV

"Ang mga pangitain sa aking isipan ay parang totoo. Parang ako ang nandoon, lahat ay nararamdaman ko. Nakakarating ako sa malayong Galaxy, nakaka pasyal sa magagandang bituin. Ngunit habang tumatagal ay palala ng palala ang aking nakikita hanggang sa lipas ng panahon ay ipinapasulyap na rin sa akin ang hinaharap kung saang masisira ang buong kalawakan." ang wika niya sabay tanglaw sa mga iginuhit na imahe sa taas kuweba.

Sa larawan ay ipinakita ang pag baba ang isang lalaki na nakaupo sa isang bulaklak. May hawak itong sibat o espadang hugis bilog ang pinaka dulo sa kanyang kamay. At dito ay isa isa niyang tinutusok ang mga bilog na bagay na animo mga planeta. "Ito ay simbolismo ng pag baba sa kalangitan na tinatawag na kataas taasang ama. At wawasakin niya ang mga planeta sa kalawakan. Walang makapipigil sa kanya kundi ang isang anghel." ang wika ni Enoch sabay pakita ng isang nilalang na may pakpak..

"Anghel? Literal na anghel iyan." ang wika ko naman.

"Oo, nakita ko sa aking pangitain ang kanyang kulay puting pakpak at kumikinang ang mga balahibo. Niyakap ng anghel na iyon ang kadiliman at winakasan ang digmaan." ang wika niya.

"Saan natin makikita ang anghel na iyon?" tanong ko naman.

"Nakatago iyon sa isang malayong lugar na mahirap marating ng tao. Kinakailangan ito ng matibay na pananalig at pag titiwala sa sarili." tugon ni Enoch.

"Teka, ano naman ang isang ito? Parang isang uri ng bulaklak?" tanong ko ni Irano.

"Iyan ang gamit ng kataas taasang ama. Nakita ko kung paano niya wasakin ang planeta gamit ang bulaklak na iyan. May lumabas na isang usok at mula dito ay sumabog ang lahat. Nag karoon ng malawakang pag hihirap ang mga nilalang sa lupa. Nag patayan sila, nag digmaan hanggang mauwi sa pag kagutom, pag kauhaw, at mag tapos ang lahat sa isang malalang pag kawasak."

Tahimik..

"Enoch, ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit nakikita mo ang mga bagay na ito?" tanong ko.

"Hindi ko alam Narding, ang alam ko lang ay isa akong mensahero, isang nilalang na napili upang tumanggap ng katalinuhan mula sa kalangitan." sagot niya.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon