Shantelle Kristina
Paulit ulit na nagpe-play sa utak ko ang mga nangyari kanina, ang pagpropose sa akin ni Ram. Laking tuwa ko dahil talagang pinasaya ako ni Ram sa gabing ito. Binalewa ko na ang napanaginipan ko kanina, naiisip ko pa rin ito pero mas nangingibabaw ang pagpapasayang ginawa ni Ram kanina.
Nakatitig lamang ako kay Ram habang himbing na himbing itong natutulog, nakayakap sya sa akin at damang dama ng hubad kong katawan ang hubad din nitong katawan.
Hinaplos ko ang mukha niya, mula sa kilay, ilong, pisngi at mga labi nito. Bahagya itong kumunot ng noo at gumalaw at mas humigpit ang yakap sa akin. Napangiti ako rito at dahan dahang dinampian ng halik sa labi.
Sobrang saya ko talaga, at sa sobrang kasiyahan ko ay hindi talaga ako makatulog, alam kong masama sa akin ang pagpupuyat dahil sa kalagayan ko.
Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi kay Ram na isang buwan na akong buntis, bukas ko sa kanya iyon sasabihin at sa tingin ko ay matutuwa ito.
Umayos na ako ng higa at isinik ang katawan ko sa katawan ni Ram, ilang sandali lang ay nakatulog na rin ako. Pero kahit na medyo late na akong natulog ay ang aga ko pa ring nagising at si Ram ay himbing na himbing pa rin ang pagkakatulog. Marahil ay pagod na pagod ang katawan nito sa trabaho.
Lumikot likot na ako sa higaan pero hindi pa rin ito gumigising, gumalaw lang sya at tinalikuran ako. Pinilit ko pang matulog pero hindi na talaga ako inaantok. Bumangon na lamang ako at isinuot ko ang polo ni Ram na nakakalat sa lapag. Tumungo ako ng C.R para umihi, magtooth brush at maghilamos na rin.
Pagbalik ko ng kama ay tulog pa rin ito. Hindi ko maiwasang mainis, wala kasi akong magawa, wala naman ang kambal, nagpagulong gulong lang ako sa kama para magising na si Ram. Ilang sandali lang ay napagod na rin ako, humiga na lamang ulit ako pero ilang sandali lang ay hinawakan ni Ram ang kamay ko.
Gising na sya!
"Ang likot mo." minamalat pa niyang sabi. Gumapang ako papunta sa kanya na nakapikit pa rin. Hinatak naman nya ako at lumingkis sa akin. Ibinaon pa niya ang ulo niya sa balikat ko. Medyo nakiliti ako dahil hinalik halikan nya iyon.
"Gumising ka na." sabi ko.
"Hmm." umungol lang ito. Kumawala ako sa pagkakaykap niya at umupo pasalampak sa tiyan niya.
"Oh shit!" sabi niya at bahagyang bumangon.
Hala! maling galaw. Hindi ko sinasadya iyon. Wala akong suot na underwear at ganun din si Ram.
Natulala na lang din ako dahil mismong paglalalaki ni Ram ang inuupuan ko at damang dama ko ang pagkatigas nito. Hindi ko talaga intensyon iyon.
Muling bmalik sa pagkahiga si Ram at umungol pa. Aalis na sana ako dahil nahiya ako sa ginawa ko pero pinigilan ako ni Ram.
"Sinimulan mo yan, tapusin mo. Huwag mo kong binibitin." nakakalokong sabi niya habang nakapikit.
"Ram hindi ko intensyong---" hinawaka ni Ram ang magkabilang balakang ko para hindi ako makaalis sa ibabaw nya, Magpapaliwanag pa nga ako pero dumilat ito at----siniil na nya ako ng halik at niromansa na naman ako.
Parehas kaming naghahabol ng hininga ni Ram ng matapos iyon. Pareho kaming nakatihaya sa kama at hinihingal, maging si Ram na basang basa pang pawis.
Muling bumaling sa akin si Ram at yumakap.
"You're amazing. I wish I always get up in the morning with you riding on me like what you did a while ago."