Chapter 2

15 0 0
                                    


Chapter 2

Next Target

Dimos Matthaios' POV

RIGHT now, I just don't want to talk, even look at the person next to me. His idea is so crazy and disgusting. I hope I guess it wrong but thinking how he reacts to me says it all. Obviously, he wants to make a bet again and this time with that weido-gubat girl! I cannot take it! I pouted. Do I look like a clown to him?! I admit, I do play games but I have standards! I can't even think about me pursuing that u-ugly girl. It sent shivers all over my body!

Nakabusangot pa rin ako nang maramdaman kong mayroong tumama sa gilid ng ulo ko. Nang tingnan ko ay isang nakalukot na papel. Inaangat ko ang paningin upang makitang galing kay James Miguel ito. Pati sa likod niyang si Kyle ay kuryosong nakatingin na sa amin. Kinalabit niya ang nasa unahan at may ibinulong pagkatapos ay kapwa sila nagtawanan sabay tingin sa akin. Naningkit ang aking mga mata at lalo pang napanguso.

Binalingan ko ang papel at patagong binasa na agad ring pinagsisihan.

'Want to try it with her? ;D'

Isinulat ko sa mismong papel ang sagot ko. Nilukot at inis na itinapon dito pabalik.

'NO'

Binalik ko sa unahan ang paningin at umaasang titigilan na niya ako. Ilang segundo ay may itinapon ulit siyang papel at napunta na mismo sa braso ng upuan ko. I glared at him. Nakakalukong ngisi lang ang binalik niya sakin. And then Kyle giggled at the side.

Mas lalo pa akong naasar nang mabasa ko ang nakasulat.

'Why not? Isn't it exciting?' at may evil smirk na drawing sa hulihan.

Pagkatapos kong sagutan at itinapon sa kaniya pabalik ay inahanda ko na ang sarkastikong kong ngiti para sa kanila.

May panunuksong mukha naman ang binigay nila sakin bago binasa ang nakasulat. Then they laughed hard at what it says.

'HELL YEAH!' at nilagyan ko ng middle finger sa hulihan.

Isang nakabukang kamay ang lumitaw sa harap ni James Miguel. Wala sa loob niyang binigay ang papel habang tumatawa pa. Sabay sabay naming inangat ang paningin mula sa nakalahad na palad. Napaigik kami sa nanlalakihan at nakakatakot na mga mata ni Miss Tilapia. Napanganga kami sa gulat. Di nakagalaw. Lahat ay natahimik. Galing sa istriktong anyo ay unti-unti itong ngumiti. Wala sa loob rin kaming napangisi. Dahil pag-aalinlangan ay naging ngising-aso ang labas.

Galing sa nakangitingmukha ni Miss ay bigla ring bumalik sa istriktong mukha.

"EYES ON THE BOARD!" gulantang na sigaw ni Miss. Lahat ay mabilisang napatuwid ng upo.

Nagkaungusan kami nila kyle nang tumalikod sa amin si Miss. Nagsisisihan. Napatalon kami nang malakas na pugpugin ni Miss ang kamay misa. She glared at our side for a few seconds to intimidate us and then proceed to give us lessons.

Sa gitna ng katahimikan, tunog ng nguya ang naririnig. Di ko na sana papansinin ngunit nakakabulabog talaga sa isipan ang paraan nito ng pagnguya. Tunog ng taong gutom na gutom. Napabuga ng hangin. Saan pa nga ba ito manggagaling kundi nasa likod.

Pinilit kong wag lingunin ngunit nakakairita na ang tunog habang tumatagal. Isang naiiritang lingon sa likod ang ginawa ko. Balak ko sanang singhalan kung di ko lang nakitang na isa na lang ang abalang kumakain at ang isa naman ay nakatulog na sa misa nito. Nang tignan ko si gubat ay mahimbing na agad ang tulog nito. Halos nakasabog sa buong mukha ang magulong buhok. Kita ko dito sa pwesto ang di natatakpang parte banda sa nakapikit na niyang mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Red HairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon