Chapter 4- 'The Bully'

0 0 0
                                    


Ugh. What did I get myself into?

It's been a week since that kissing scene of mine and that jerk. Shit. Remembering how I got my first kiss in a bad way, makes me wanna vomit. Damn, ugh.

It's been a week na rin akong binibigyan nang masasamang tingin ng mga babae dito sa 'new school' ko. What a new start nga naman. Add my sarcasm. Di pa nga ako nakakahanap ng magiging kaibigan dito. Ayoko pa namang maging loner. Kung di lang dahil sa bakulaw na yun.

Di ko naman akalain na isa sa HOT LIST yung kumag na yon. Well, that's how people here called hot guys. May list sila sa mga 'campus-heartthrob' kumbaga and I think they ranked them base on how they act and make people here gushed. Akalain mo namang isa si Mr. Grumpy sa mga yun. Wala naman yung ginawa sa class kung di ang matulog.

Speaking about last week, I've became his 'entertainment' nga diba, so basically speaking naging bully ko siya. Samahan mo pa yung demonyita na Angel ang pangalan, ugh nakakastress isipin. Wala siyang ginawa last week kundi ang pagtripan ako. Pero syempre, di naman ako patitinag sa kanya.

Buong linggo akong pinagtripan ng angel na yun at ng kaniyang mga alipores, pero di pa rin ako umaangal, hindi pa. Ayoko na munang dagdagan ang chismis na ginawa ng mga studyante tungkol sakin nang mangyari ang pangyayari nuong una kong araw dito.

Last week, papasok palang ako ng classroom, may free bath na ako. Bigla nalang kasing pagbukas ko sa pintuan, nabuhusan na pala ako ng tubig at pinagtatawanan na nila ako. Mygahd napaka 'hospitable' naman nila. Tapos kung minsan itong si Mr. Grumpy, sa canteen pinapatid ako lagi at palagi akong pinapahiya sa maraming tao. Then mag e smirk siya. Ugh! Nakakainis!

Di rin naman ako magtatagal dito kaya pinapabayaan ko lang silang bullyhin ako. Kasi kung nagkataong dito na talaga ako, di siguro nila ako mahahawakan.

I'm here at the library. Ito lang yung place of peace ko. Walang ingay dito tas pwede pang madagdagan ang laman ng ulo ko. So I claim this place as my hideout at comfort zone. Kung minsan dito na rin ako natutulog, patago nga lang baka makita ako nung librarian, nako sakit pa sa ulo. At baka maubos pasensya ko sa mga bullies ko, at magsimula pa ako ng gulo. Ayokong malaman ni Tita at baka isumbong ako kay Dad.

Speaking about Dad, I missed them, sila ni Mom. I wonder if kamusta na sila. Since I got here, I didn't hear anything from them but all about my studies. Kesyo pagbutihin ko daw, kesyo ganyan.

As I was reading books here, nabore ako. Kaya lumabas na ako sa library.

May nakita akong magbarkadang napadaan sa akin. Seeing them make me feel longing to my squad. Ugh I miss those guys.

Habang nasa state ako ng pagka miss, may nabangga ako.

"Oh, I'm so--" naputol ang sasabihin ko nang makita ko kung sinuman yung nabangga ko.

Ugh! This guy na naman!

"Tsk. I was looking for you." he murmured.

I sighed, a heavy one at that.

"What do you want?" taas kilay kong tanong.

"Come with me." after that hinatak na niya ang braso ako. Harshly. Ugh! What's with this guy seriously!

"Mr. Grumpy! Stop!" medyo tumaas ang boses ko pero yung sakto lang na siya lang ang makakarinig. Huminto naman siya.

Buti nalang at recess pa kaya wala masayadong estudyante dito sa tapat ng library.

Tiningnan niya lang ako sandali tas binitawan na niya ang braso ko.

"Are we close enough para hatakin mo ako??" maldita kong tanong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rightful WrongWhere stories live. Discover now