LOA S2 Part 52: Pag papala

1.2K 105 23
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

Jan 23, 2020

Tumakbo rin ako pasugod sa kanila, hinawakan ko ang aking bato at inilagay ito sa aking bibig.

Nag liyab ang aking katawan..

"NARDO!!" ang pag tawag ko sa pangalan ng anghel na nag kaloob sa akin ng kapangyarihan..

Nag liwanag ang aking katawan at nag labas ng malakas na pwersa sa paligid dahilan para itulak palayo ang mga kawal. Lahat sila ay nag liparan sa ere sa malayo direksyon.

Part 52: Pag papala

NARDING POV

Nag liparan ang mga kawal sa iba't ibang direksyon, samantalang ako naman ay agad na lumipad sa kinaroroonan ni Enoch na noon ay nakatuhog at naka sabit sa ere gamit ang mga sibat.

Agad ko siyang inalis. Sumulpot si Irano sa aming kinalalagyan at kumuha ng tubig upang itapal sa malaking sugat sa kanyang tiyan. "Wala na ang aking nayon, wala na rin ang mga pamilya." ang wika niya habang hinahabol ang hininga.

Maya maya ay napahawak siya sa kanyang dibdib. "Narding, umalis na kayo." ang wika niya.

"Anong bang sinasabi mo? Kaya ka naming gamutin. Relax ka lang." ang wika ni Irano.

"Narding, Irano. Paki usap umalis na kayong dalawa! Lisanin ninyo ang planetang ito. Ngayon naaaa!" ang wika niya na hindi namin maunawaan.

"Anong bang sinasabi mo?!" ang tanong ko.

"Mamatay na ang katawang ito. Hindi na kayang hawakan ang kanyang lakas. Umalis na kayo! Mawawasak ang planetang itooo!" ang sigaw niya habang nag hihirap, pawisan at halos sumuka ng dugo.

Napatitig ako sa kanyang mukha at dito ay parang nakita ko si Estong sa kanyang imahe. Ganitong ganito ang pang yayari kay Estong noong kainin ang kadiliman ang kanyang katawan at buong pag katao.

FLASH BACK

"Minsan kasi ay itinatanong ko sa aking sarili kung saan ba ako nag mula. Wala akong matandaan sa aking nakaraan, kung sino ang magulang ko, sino ba ako, saan nakatira, ano ang apeliyido ko. Ni hindi ko rin alam ang tunay na pangalan ko, yung mag iitik na may ari lang ng dampa ang nag bigay ng pangalang Estong sa akin. Blanko ang pahina ng aking nakalipas tol, wala akong maalala ni isang kaganapan dito. Basta nagising lang ako at ganito na ako, parang galing ako sa isang matagal na pag kakahimlay at noong ako ay mag kamalay ay nagaganap ang lahat ng ito.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon