Mommy's Little Heart breaker [ONE SHOT]

9.5K 278 129
                                    

ÿþMommy's Little Heart breaker  

"Say Ahhh-- Baby, open yer' mouth here's the airplane." isa sa pinaka mahirap na gawin pagMommy ka ay pakainin ang anak.  

Ang hirap maging Mommy, lalong-lalo if mag-isa ka lang.  

I got pregnant when I was 17, nung una pinagsisihan ko pero ngayon I'm very thankful when my baby boy came.  

By the way, Ako nga pala si Taranee "Ara" Aurellano, 21 years old. A registered nurse.  

I have 4years old son, named Lloyd Mikoel "Mik-Mik" Fortalejo.  

Ring *telephone* Ring ~  

"Ate Ling, pasagot naman ng telepono." si Ate Ling ang katulong ko sa bahay, siya ang nagbabantay sa anak ko minsan.  

"Ara, para sayo. Si Sasa."  

Iniabot niya telepono sakin at bumalik na sa kusina.  

"Hello Sasa?"  

Si Sasa was my best friend since high school. Kami ang best tandem niyan nung highschool days namin.  

(Hello Ara? Kamusta?)  

"Eto ayos naman. Ikaw? Kayo ni Drey?"  

Syanga pala si Drey and Sasa ay high school lovers. Ang tagal na rin nila no.  

(Syempre getting stronger. Hehe. Si Mik-Mik nga pala?)  

"Eto, karga ko." inilipat ko ang telepono kay Mik-mik. "Tita Sasa, wants to talk to you."  

"Eyow? T-tita ShaSha.." bulol pa magsalita si Mik-mik.  

..."Mit-mit ish good."  

... "Yap. I want shocoyate. Tenk you tita ShaSha. Bye!"  

Then he give me the phone.  

"Hello? Sasa?"  

(HAHAHAHAHA-- Ara, nakakatuwa pala yang anak mo,dati di pa yan marunong magsalita ngayon ang daldal na.)  

"Oo nga ee. Pagpasensyahan mo na bulol pa ee."  

(By the way, kaya pala ako napatawag kasi iimbitahan kita.)  

"Bakit? Anong meron? Siguro nagpropose na si Drey sayo no?"  

(ANOO? Di pa nga ee. Ganto kasi yun, Birthday ni Drey. So ano? Makakapunta ka?)  

Mommy's Little Heart breaker [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon