Special Program for the Arts
Habang naglalakad takbo kami ni Shine pinakatitigan kami ng mga estudyante. Well, alam ko namang maganda talaga tong kasama ko pero bakit ganyan sila makatingin?
"Sa wakas", usal ni Shine at huminto na, tiningnan niya muna ako bago ako hinila ulit at pinasok sa isang kwarto.
Ang unang kong napansin sa room na iyon ay ang mga iba't ibang klase ng mga intstrumento sa likod na bahagi at isang mini stage? Meron ring mga gamit para sa paintings nakalagay sila ng maayos sa isang cabinet. May flute, piano na nasa kanang bahagi ng mini stage, mga gitara na nakasabit sa likod ng stage at drum and base na nasa kaliwang bahagi naman ng stage. This room is wonderful. I can say na may panlaban talaga ito sa mga international school.
Nilibot ko pa ang aking paningin at napansin ang mga kaklase kong halos mga lalaki yung iba ay naka upo sa desk habang nag-uusap at meron ring nagpe-play ng ukelele sa gilid malapit sa bintana. Merong limang row at anim na columns. Nung lumingon ako sa aking likuran nakita ko ang kabilang bahagi ng blackboard na merong white board at meron ring TV sa gitnang bahagi."Hey Shine!", Someone called shine kaya napatingin naman ako sa taong may ari ng boses na yun, it's a guy. He's somewhat good looking, clean cut pero merong liptint?, Shems! Barbie!.
"Mark!", Ganting bati ni Shine sabay beso dito.
Tinapunan ako ni Mark ng tingin and he's looking at me intently. Hinahagod ng kanyang mga mata ang kabuuan ko. Then,he look back at Shine, the latter give him a light smile.
" Attention everyone!" Nang nagsalita si Shine umayos na silang lahat ng upo at tumingin sa gawi namin.
" Good morning! It's good to be back and seeing your faces again! And now I have here our transferee she will going to introduce herself" binigyan niya lamang ako ng ngiti.
Sa totoo lang hindi ako nakapag prepare para dito.
"Good morning everyone I'm Maria Monique Quinne Tabalinqous Reyes, 16 years old, hope that we can all get along well", then ngumiti na lang ako.
Sinabihan ako ni Shine na maghanap na ng upuan kaya tumalima naman ako at nakita ang parte ng classroom n a talagang gustong-gusto ko and it's the chair and table near the window nasa last column and malapit sa mini stage.
" Mari!", Tawag sa akin ni Shine nilagay ko na lamang muna ang aking bag bago siya bigyan ng tingin.
"Jan ka uupo?sureness?"
Tanong niya habang papalapit sa 'kin nakasunod sa kanya si Mark. Nung tumingin ako sa paligid ng room nakita ko silang lahat na nakatingin sa akin at para bang may ginawa akong mali."Bawal ba ang umupo dito?" Balik tanong ko kay Shine, medyo naguguluhan
" Hindi naman, good luck then! Nandito lang naman ako sa second row and malapit lang sayo kasi last column rin ayaw ko kasing nasa-unahan palagi akong napagdidiskitahan ng mga teachers" then umupo na rin siya sa kabilang row na isang metro lang naman ang layo sa 'kin katabi niya si Mark na nasa third row.
Umupo na ako ng maayos sa aking puwesto habang naghihintay ng flag ceremony masyado akong maaga at improvement yun. Kinuha ko sa aking bag ang mini booklet na binigay sa 'kin after kong makuha ang section ko. Merong naka bold letters na 'SPA' at sa ilalim nito ang meaning, Special Program for the Arts, at meron pang pahabol na -of Antique National School.
Mag-uumpisa na sana akong magbasa nung narinig kong nag ring ang bell. Nakita ko silang nagsitayuan at lumabas hinila na rin ako ni Shine. Sabi niya malapit lang naman raw ang field sa room namin and required talagang umattend malalaman kasi agad na wala ang section namin dahil laging nasa amin ang mata ng mga estudyante.
Nang gumawa na ng linya ang mga kaklase ko maraming nakatitig sa amin. Hindi kami nakatayo kasama ang aming mga ka-grade level. Kasama namin ang mga nasa SPA pero nasa ibang grade level.Ngayon,naiintindihan ko na kung bakit kailangang nasa flag ceremony talaga ang mga galing sa SPA. Maraming mata ang nagbabantay sa amin. Siguro dahil naiiba kami at espesyal ang aming section.
Pagkatapos ng flag ceremony, bumalik kami sa classroom. Ilang minuto lamang ang nakalipas at may pumasok na guro. Moreno at nakasuot ng eyeglasses. May iniipit siyang libro sa kanyang kaliwang kililiki, nasa kaliwang kamay niya rin ay isang maliit na rattan basket. May dala din siyang kape, hawak hawak niya ito sa kanyang kanang kamay.
Tumayo kami at binati ito, tumango lamang siya bilang tugon. Nilagay niya muna ang mga dala niyang gamit sa teacher's table at sinuri ang buong klase.
"Balito ko'y meron kayong transferee SPA-10". Umupo siya sa gilid ng teacher's table at uminom sa dala niya kaninang kape na nangangamoy sa buong classroom.
"Yes Sir Orquejo! She's Maria Monique Quinne Tabalingqous Reyes", sagot ng isa sa mga kaklase kong nasa harapan.
Bumalik ang tingin ko kay Sir Orquejo at nakita siyang tumayo,bitbit ang kanyang kape.
"Okay, to formally introduce myself again" tumikhim siya at tumingin sa gawi ko.
"I'm Marc Anthony Orquejo, your adviser, since Grade Seven" pasimpleng umupo si Sir sa kanyang upuan matapos niyang sabihin iyon.
Since Grade Seven? Anong ibig sabihin nun?
"Welcome in Antique National School Miss Reyes, specifically in this Special Section for the Art's, mind if you share your talent in the class?" Sabi ni Sir sa 'kin.
Tumayo naman ako at ngumiti sa lahat.
"Just call me Mari everyone, my talent is painting, drawing, and sketching. I can also play piano, a little. And I can sing melo songs"
"Before Friday pass a sketch of me,okay?"
Tumango ako bilang sagot. Tumayo na rin naman si Sir sa kanyang upuan at humarap sa amin.
"Alam kong paulit-ulit ng nangyayari ang pag-e-explain kung ano nga ba ang SPA, ngunit dahil meron tayong transferee wala kayong choice."
Napa-iling na lang ang iba at napasimangot.
"Special Program in the Arts is one of the Dep Ed's Curriculum which covers different Arts Field. This program is intended to cultivate the learners or students skills in Music, Visual Arts, Theater Arts, Media Arts, Creative Writing and Dance."
Tumikhim muna si Sir bago nagpatuloy."All of you are now in your last year but unexpectedly a transferee entered your batch. We all know that entering the SPA is as hard as entering the needles hole. Eventually, Miss Reyes is a very talented one and our students from Visual Arts are rare especially with your batch so the heads accepted her forms. She came from an International School by the way, we think she's a big catch, just like all of you here," Sir Orquejo stated.
Matapos sabihin 'yon ni Sir napayuko ako at napaisip. Mahirap ba talagang makapasok sa section na ito? Mabuti at nakapasa ako sa standards nila.
Bumalik ang aking tingin sa aming adviser at nakita siyang may binabasang mga papeles.
"And where is Mr. John Nicol Sanchez?"
Naging maingay ang mga kaklase ko.
"Sir! Baka naligaw na naman?" sagot ni Shine.
"That Sanchez is a pain in the neck eversince! Find him! Mr. Cuevas! You're the class President right? I need to see that Sanchez tomorrow, copy?"
After that, umalis na si Sir sa room.