Kindly play the song, "All I Want" by Kondaline.
Chapter 5
Last one day.
Madaming bumisita sa kanya, mga kaibigan, professors, kapitbahay at maging ang dating principal at guidance councilor namin noong High School.
All of them were mourning for us. Some of them were crying.
They say Alexandra is in a bad luck because her death was very unexpected. Who would have thought she'd die that day? It was an ordinary day for Alexandra. She was in a jeepney when the accident happened that ended a lot of lives.
But I hope Alexandra won't think she's in a bad luck because for me, she isn't. Her life was bright. People love her and will continue to love her even though she won't be here with us.
Tahimik akong umalis ng dumating ang mga ibang relatives ni Alexandra. Dumating ang lolo at lola ni Alexandra na umiiyak, galing pa sila sa malayong probinsya.
"Ang apo ko!"
The old lady was crying while kissing Alexandra's hand. It was surely very hard for her to see her only grandchild dying.
"Ako dapat ang nariyan, ang bata mo pa. You still have to experience many things," I heard the old lady said before I silently left the room.
May mga kaibigan akong nakita pagkalabas ko at malungkot silang ngumiti sa akin. I can't smile back and I hope they understand me.
Dumiretso ako sa chapel at umupo doon. Hindi ako makapagsimulang magdasal dahil naghalo-halo na sa dami ang gusto kong hilingin. O mas magandang sabihin na masyadong marami amg gusto kong hingin para kay Alexandra.
Tama ang lola nito, she has to experience a lot more. I want her in a wedding dress. I want to see her giving birth to our children. I want to see her in my arms every morning.
Ilang minuto akong nakaupo doon hanggang sa naramdaman ko ang pag-upo ng dalawang tao sa kaliwa at kanan ko.
"Anak..."
Nagtuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko nang narinig ko ang boses ni mama. Umiiyak na niyakap ako ni mama parang noong mga panahong umiiyak ako noong bata pa ako.
"Ma...h-huling araw na po," my voice broke as I said those words.
Tumingin si mama kay papa na parang humihingi ng tulong. Naramdaman ko ang paghaplos ni papa sa balikat ko na para bang pinapagaan niya ang loob ko.
Pero milyon milyon ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay hawak ko ang lahat ng sakit ng buong mundo.
"Anak, maging malakas ka para kay Alex," narinig kong sabi ni papa.
Umiling ako, "She's my strength."
"No, God's your strength," sabi pa niya.
Yes, it's true. God gives me strength. But Alexandra is the reason why I keep myself strong, why I choose to be strong. But Alexandra is my weakness, too.
"Kain tayo..."
Umiling ako kay mama. I don't think I can eat.
"Anak, baka ikaw naman ang magkasakit."
Hindi ba mas maganda iyon? Para magkasama kami? Pero alam kong hindi magugustuhan ni Alexandra iyon. I know if she can just speak right now, she will ask me to stay living.
"Ma, hindi ko pa kaya. Hindi ako makakain sa sobrang bigat nito," sagot ko habang nakapatong ang isa kong kamay sa dibdib ko.
Hinaplos ni mama ang likuran ko at nakatingin lang sa akin. Puno ng awa at lungkot ang mga mata nila. Masakit din para kina mama dahil sa loob ng maraming taon na magkasama kami ni Alexandra ay tinuring na nila siyang parang sariling anak. Kami ni Alexandra ang dahilan kung bakit naging magkaibigan ang mga magulang namin.
BINABASA MO ANG
Just Stay (KathNiel) [Finished]
FanfictionHow long can a man wait for his best friend...who happened to be clinically dead?