Pagkauwi ko sa inuupahan kong apartment ay hingal na hingal ako at pawis na pawis. Pero nang tiningnan kong mabuti kung saan nakatayo ito ay doon na ako pinagbagsakan ng langit at lupa. Dinemolish na ito at iba na ang may ari. Napaupo nalang ako sa sidewalk.
"Ano nga bang inaasahan ko? Na makakabalik ako sa oras bago ako namatay?" Tatawa-tawa ako habang bigong-bigo.
Paano na to? Bakit hindi ko naisip ito nang tumalon ako sa nagbabagang bulkan?
I cried my hearts out. Limang taon. Limang taon simula nang mamatay ako. Yun din ba ang oras dito? Limang oras na din bang nakalipas? O sobra pa?
Sa sobrang gusto ko ng kasagutan ay tinanong ko sa isa sa mga nagdedemolish ng bahay ko kung anong date ngayon.
"September 14, po."
"Anong taon po?"
"2020 po."
Shit, dalawang araw pagkatapos ko mamatay!
May pag-asa pa!
Kaya napatayo akong mabilis at nagpunta sa isang lugar. Sa kung nasaan si Ylac.
Kaso hindi ko na matandaan kung anong nangyari sa araw na ito. At bakit dinemolish ang tinutuluyan ko? Ang alam ko lang ng panahong ito ay nasa rest house lang ako ng kaibigan ko sa Ilocos. Ang alam ko lasing lang ako ng mga araw na iyon magdamag pati kinabukasan.
Hanggang sa umuwi ako dito, nagpasa ng resignation later.
At namatay!
Pero hindi ko alam na idedemolish ang bahay ngayon.
Ah naalala ko na. Napahinto tuloy ako at muntikan pa akong masagasaan. Halos lumabas ang puso ko sa nerbyos!
"Hoy, putangina mo! Kung magpapakamatay ka, wag ka mandamay!" Sigaw ng driver na lalo kong ikinatakot.
Napaupo tuloy ako sa pavement ng wala sa oras at sinubukan kong aalalahanin kung bakit nga ba ulit ako nandito.
Bakit ganito? Bakit nakakalimutan ko unti-unti ang mga alaala ko na kung iisipin ko naman sa Mundo na walang oras ay parang sariwa pa sa akin na parang nangyari lang kahapon?
Anong nangyari sa memorya ko? Bakit hindi na ako makaalala ng maayos.
Napahawak ako sa ulo ko at napayuko.
Anong nangyari nga ulit pagkatapos ko mamatay?
Pumikit ako at pinilit maalala.
Nang maalala ko ay napatulala na naman ako.
Oo tanda ko na. Nagquit kasi ako sa trabaho, yun ang pinakamaling ginawa ko noon na inexplain sa akin ng Timeline Expert na kanang kamay ni Chronos.
At kung hindi ako nagquit noon sa trabaho habang lasing at wala sa tamang pag-iisip ay doon nasunog ang bahay na tinutuluyan namin, kasama sa nasawi ang tinuturing ko ina. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit naging konektado ang pagquit ko sa trabaho sa pagkasunog ng apartment.
Pero sinabi ng Timeline Expert na doon daw iyon nagsimula. Ang mga choices daw na nagsimula sa pagkakamali, may kaakibat na domino effect. O sunod-sunod na pagkakamali hanggang sa mauwi ito sa kamatayan.
Napalamukos ako sa puso at naiiyak na naman ako.
Namatay ng dahil sa akin si Mame Tina.
Pero ang isa ko pang hindi maalala ay kung bakit ako lasing, at kung bakit ako nagresign.
Anong nangyayari sa utak ko?
Kaya tumayo na nga ako at dumiretso sa kung nasaan si Ylac. Pero bago muna pala iyon ay pumunta muna ako sa bahay ng kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Chaos with the Gods
FantasyShe's dead. She was just a wandering soul who can not accept the fact that she is already dead. That is why she started working for the God of Time, para ma-redeem ang oras na nawala dahil sa unexpected death niya. She is defying the laws of time. ...