Chapter 6

1.2K 43 58
                                    

Chapter 6

-----

Hanggang sa pagpasok kinabukasan ay hindi mawala wala sa isip ko ang nangyari noong gabi na iyon. It became the best dinner I've had in my life so far, pakiramdam ko unti unti ay mas napapalapit na ako sa taong matagal ko nang pinapangarap.

Imagine, the person I admired for a long time already, ate and enjoyed the food I made. Malaking progress na!

"Para kang naka shabu." Iritadong puna sa akin ni Miggy nang matawa ako kay Syrene na muntik nang matapunan ng red tea ang isang lalakeng costumer. Dahil wala pa namang umo-order ay pinapanood ka na lang ang mga empleyado ko. "Sayang kita mo kung natapon ang red tea tapos tatawa ka pa diyan."

Mas lumakas ang tawa ko roon. I even twirled the cashier's stool I was sitting on. Ako muna kasi ang nag volunteer na magbantay sa cashier since hindi naman masyadong busy at enough pa naman ang food namin hanggang closing time.

"I'm just very happy today." Malaki pa rin ang ngisi na sabi ko. "Hindi ka ba masaya para sa akin?"

Mula sa inaayos niyang display ng cup cakes ay mabilis na napabaling sa akin ang tingin ni Miggy. She scowled at me, offended at what I said.

Nag peace sign lang ako sa kanya at nag flying kiss.

"H'wag mo na ako ulit tatanungin ng ganyan." She said. "Babasagin ko talaga bungo mo."

Natawa ako ulit at sa sobrang lakas noon ay pati ang dalawang barista namin ay natatawa na ring napatingin sa amin.

"Yeah, yeah. Grabe ramdam na ramdam ko pagmamahal mo sa akin!" I gushed out, overexagerating my happy voice. Inirapan lang ako ni Miggy bago siya tumalikod at pumasok ulit sa kitchen. Napailing na lang ako sa best friend kong kakaiba talaga magpakita ng pagmamahal.

Si Miggy... she was brought up by a loving mother. Losing that loving mother and being shoved into a rather harsh, new environment really took a toll on her emotionally.

"Mukhang sayang saya kayo Madam, eh." Sabi ng barista kong si Emer. He was a scholar from Batangas at first year pa lang sa EU kaya makapal pa ang punto niya sa pagsasalita. "Klaseng in love."

Napairap ako pero malaki pa rin ang ngiti, hindi maitago ang kilig na naramdaman ko doon sa sinabi ni Emer.

Was I that obvious? Gosh.

"Ano ka ba?" Kunyari ay nahihiyang sabi ko. "Hindi 'no!"

"Ala eh, si Madam! Kunyari pa!" Ngumisi si Emer, the friendly kind of smirk na cute lang tingnan sa kanya since binatilyo pa lang naman.

Nag usap pa kami sandali ni Emer. We stopped when a costumer ordered at dinaldal na rin ako. Julianne had been my classmate and co-officer noong senior high school pa kami ni Miggy sa high school department ng EU. Hanggang ngayong college ay na-retain namin ang pagiging friends kahit magkaiba kami ng program. She took up psychology kasi.

"One americano with two shots of espresso please." Pagod na sabi ni Julianne. I gave her a small smile.

"Tough day?" I asked. May mga moments talaga siguro iyong ibang program na halos zombie na ang mga students nila.

EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon