Chapter 11

24 1 1
                                    

Dmitry 

"Pwede bang manligaw?"

Yan ang tanong ko kay Callum habang hawak ang bouquet ng pink at red roses. Nanlaki ang mga mata ni Callum at bigla nalang siyang yumuko. Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Kinabahan ako bigla sa di malamang dahilan.

Ilang segundo ang lumipas bumalik ang tingin niyang tumama sa aking mga mata. "No". Diretso at matipid niyang sagot. "No? Joke ba yan?" Tanong ko sa kaniya sabay tawa. "Hindi ako nagbibiro.". Anglamig ng pagkakasabi niya. "Pero bakit?". Tanong kong muli.

 "Nalilito ka lang sa mga nangyayari sa atin. Dahil sa pagsesex natin akala mo may gusto ka na sa akin. Pero ang totoo nabigla ka lang. Kaya no, hindi, never." Sagot niya sabay tayo. "Maliligo na ako.". Pagkatapos nun ay pumunta na siya sa banyo.

Pagkalabas niya sa banyo ay nagkatinginan kami. Agad naman siyang umiwas ng tingin at pumunta na sa kama para matulog.

Nagising ako kinabukasan ng wala na siya sa kama niya. Hinanap ko siya sa buong dorm pero wala siya. 'Baka pumasok na yun' sabi ko sa isip ko.

Bumangon nako sa kama at nag-almusal, pagkatapos ay naligo na ako't nagbihis. Tinignan ko ang orasan '10:23' yan ang nakalagay. Umalis na ako para pumasok sa unang klase ko ngayong araw.

Callum

Naglalakad ako ng mag-isa't di alam kung nasan na ako, hinahayaan ko nalang ang mga paa kong dalhin ako kung saan. Wala ako sa sarili ko dahil naaalala ko parin yung mga nangyari kagabi. Naaalala ko ang pag-amin niya sakin at ang pag-tanggi ko sa kaniya. 

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Should I be overwhelmed or should I be... 

"Ouch!". Sigaw ko sabay hawak sa aking pisngi. Tumingin ako sa kung sino man ang sumampal sa akin. "Sheila!" Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Anong trip niyo?" Tanong ko sa kanila. 

"Kanina ka pa kaya namin tinatawag pero dire-diretso ka lang na naglalakad". Sabi ni Kyla. "Sorry." Sabi ko. "Ano bang nangyari?" Sabi ni Zaila. Di ako nakapagsalita niyakap ko nalang siya at di ko napansing naiiyak na pala ako.

Pumunta kami sa tambayan namin at doon nag-usap usap.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Meiah. "Kwento bilis". Pagmamadali sa akin ni Kyla.

Kinwento ko sa kanila lahat ng nangyari kagabi. Oo kinwento ko lahat, pati yung ganun, yung ano, alam niyo na yun basta angbastos banggitin eh.

"Litong lito na kasi ako eh diko alam kung tama yung naging desisyon ko". 

"Ang tanong mahal mo ba siya?" Tanong ni Kyla.

"Oo pero paano kung di naman niya talaga ako pala mahal. What if na-carried away lang siya dahil sa mga nangyari samin?". Pagpapaliwanag ko.

"What if hindi? What if gusto ka talaga niya?" Tanong ni Zaila.

"Natatakot ako. What if katulad lang siya ni Oliver?What if saktan niya lang ako? What if lokohin niya lang ako?" Sunod-sunod kong tanong.

"What if tigilan niyo yung kaka-what if niyo? Dami niyong what if eh". Sabi ni Sheila.

"Hindi mo malalaman kung di mo susubukan. Malay mo siya na pala yung magiging partner mo for life." Pangungumbinsi sa akin ni Meiah.

"Bakit niyo ba siya kinakampihan. Kaibigan ko ba talaga kayo?"

"It's not like that Cal, we're not siding with anyone we're just stating what we think you should do. Pero it's up to you pa rin kung anong gagawin mo."

"Yeah, tama si Zai. Pero tandaan mo andito lang kami pag kailangan mo kami."

"Basta kapag sinaktan ka niya sumbong mo sa amin ah, just like what Meiah said andito lang kami."

"Ano na Sheila, wala ka bang pa-advice sakin?" 

"Nasabi na nila Kyla lahat eh, tsaka you know naman na I'm not good at advicing di ako katulad niyo, lalo na ikaw sobra kang malayo sa akin when it comes to advices, Anggaling mo kaya, kaya alam kong makakaya mo na yan i-handle."

"Thanks girls." Pagkasabi ko nun ay niyakap ko na sila lahat, group hug in short.

Matapos namin mag-usap-usap nagpaalam na ako sa kanila para bumalik sa dorm at kausapin si Dmitry tungkol sa aming dalawa. 

'Si Dmitry ba yun?' Pakikipag-usap ko sa sarili ko.

Siya nga ata talaga yun. Kilalang kilala ko yang Ash Gray niyang buhok kahit nakatalikod.

"D--." Natigilan ako sa pagtawag sa kaniya nang makita ko ang mga pangyayaring iyon.

A-akala ko totoo siya, akala ko siya na.

Tumakbo ako palayo. Di ko alam kung saan ako papunta. Tumakbo lang ako nang tumakbo.

Hindi ako naiiyak. Walang lumalabas na luha sa mga mata ko at parang wala rin ako sa sarili ko.

Pagod na ako. Kanina pa ako tumatakbo at di ko rin alam kung nasaan na ako ngayon at kung saan ako papunta. Gumagabi na natatakot na ako. Nagulat ako ng may humila sa akin.

Dmitry

Naglalakad ako pauwi ng makasalubong ko si Elle.

"Dee, can we talk?" 

"Marami pa akong mas importanteng kailangan gawin."

"Kahit 5 mins. lang." Pangungumbinsi niya sa akin.

"Wala na tayong pag-uusapan pa." Sagot ko sa kaniya.

"Please?"

"Ok fine, I'll give you 3 mins. to say what you have to say" Sabi ko habang nakatingin sa aking orasan.

"Look, I made a mistake after our break up I always think about you. I still love you Dee, please comeback. I want you back in my life."

"No." Maikli kong sagot.

"No? But why?"

"I already have someone that I love."

"No way. You can't. Please love me again, please Dee."

Nagulat ako nang hilahin niya ang mukha ko para ilapit sa mukha niya at halikan ako. Pagdampi na pagdampi ng labi namin sa isa't isa may narinig akong boses na parang tumawag sa akin.

Inilayo ko ang mukha ni Elleanor sa akin at tinignan ang pamilyar na boses na yun.

Paglingon ko ay nakita ko nalang si Callum na nakatingin sa amin at unti-unting yumuyuko.

Sinubukan ko siyang tawagin pero huli na. Tumatakbo na siya palayo sa amin.

"Is it him?" Tanong sa akin ni Elle.

Tinignan ko lang siya at humabol na agad kay Callum.

Anglayo na niya at halos mawala na siya sa paningin ko. Ilang beses ko siyang sinubukang tawagin pero tuloy-tuloy lang siya sa pagtakbo. Alam ba niya kung saan siya magpupunta?

Binilisan ko lalo ang aking pagtakbo dahil dumidilim na. Sumulyap ako sa aking relo para tignan ang oras, 6:53 na, kailangan ko na siya maabutan dahil baka mapahamak pa siya pag tumagal.

Palapit na ako ng palapit sa kaniya. Naaabutan ko na siya. Inuunat ko na ang aking kamay, nagbabakasakaling baka maabot ko na siya..

Binigay ko na ang buong lakas ko para mas bilisan ang pagtakbo at sa wakas nahila ko ang kamay niya. 

Pagkahila ko sa kaniya ay diniretso ko siya sa aking dibdib at niyakap siya.

Bigla siyang humagulgol matapos ko siyang yakapin. Ramdam ko sa aking balikat ang tuloy tuloy niyang pag-iyak, ang mga luha niya walang tigil sa pag-agos at ang mabibigat niyang hiningang pilit niyang hinahabol.

"I'm sorry Callum."

Our First Night, Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon