Panimula

248 20 5
                                    

“Magbigay-pugay mga mamamayan ng Filipinas, naririto ang magiting na Heneral mula sa Estados Unidos na may dugong Filipino. Naririto ang anak ng dating gobernadorcillo ng bayan nating San Feliciano noong panahon ng espanyol, Heneral Eduardo Salvacion,” tawag sa’kin.

Narinig ko ang palakpakan ng lahat habang ako’y naglalakad papalapit sa gitna ng entablado. Halos isang daan ang dumalo sa pagtitipon na ito.

“Magandang hapon aking kababayan, ako ay pinadala muli ni Heneral McArthur upang pamunuan muli ang ating hukbo laban sa lahi ng mga Hapon sapagkat ‘di namin hahayaan ang karahasan mula sa kanilang kamay…” panimula ko.

Ako si Eduardo Salvi Salvacion, isang heneral sa hukbo ng Estados Unidos. Anak ako ng dating kilalang gobernadorcillo ng San Feliciano na si Don Lolito Salvacion at ni Donya Maria Salvi. Kilala ang pamilya namin noong 1895 sapagkat kami ay may dugong kastila. Makalipas ng labing-limang taon mula nang ipanganak ako ay sumapi ako sa Amerikano matapos ipagbili ng Kastila ang Filipinas sa piraso ng ginto sa Estados Unidos. Matapos mamatay ng aking ama, pinasok ko ang militar ayon sa kanyang kagustuhan.

“Hindi ko hahayaan na matalo ang hukbo natin at mapalitan ng pait. Ang bawat isa sa ating kalalakihan ay maaaring magboluntaryong magsundalo sa ilalim ng ating kakamping Americano,” patuloy ko ngunit may umagaw ng atensyon ko.

Mayroong marikit na binibini hindi kalayuan sa akin. Para bang nanginig ang tuhod ko at kinakabahan sa pagsasalita. Para bang tumiklop ako sa binibini nang nagtama ang mata namin. Ngunit sino nga ba ang binibining ito?

“M-maraming s-salamat,” tanging nasambit ko habang ‘di matanggal ang paningin ko sa binibining iyon.

Naupo ako sa kinauupuan ko kanina, katabi ko ang mga mayayamang personalidad sa aming bayan. Lahat sila ay may dugong amerikano maliban sa’kin na may dugong espanyol.

“I think you’re out of your mind, is there any problem general?” biglang nagsalita ng ginoong nasa tabi ko.

“Ahmm, I’m good sir, no problem,” sagot ko kay Sir Douglas Heller na katabi ko.

“Are you sure? I feel that you’re staring to someone general,” dagdag n’ya pero halata ba talaga sa mukha ko. “Yes, you’re too transparent to your feelings,” pahabol pa n’ya.

“Ahh you might be mistaken sir,” tanging sambit ko sabay tingin sa ibang lugar.

“Did you know her name?” mapang-asar na tanong n’ya sa’kin.

“Sorry sir but what are you thinking about?” tanggi ko.

“Why are you denying your feelings general, I know that eyes, I used to make it with my wife,” asar n’ya. “She’s the daughter of Captain Henry Blue and her mother was Spanish, Mrs. Juana De Leon. Her name was Miss Rose Blue. Daughter of the one of the most richest here in Filipinas,” dagdag n’ya.

“Sorry sir, but thank you for your infos,” ngiti ko habang muling tiningnan si Rose na para bang buryong na buryong na ngayon.

----------

Matapos ang naganap kanina sa Plaza de San Feliciano ay umuwi na agad ako sa Hacienda Salvacion. Kahit na hawak na ng Estados Unidos ang Filipinas ay naririto pa rin ang impluwensya ng Espanya dahil kakaalis lang nila.

Ang Hacienda Salvacion ay ang nag-iisang ari-arian ng pamilya namin dito sa San Feliciano. Isa kami sa mayamang pamilya hanggang ngayon. Naririto ako sa aking balkonahe at nag-iisa lamang sa mansion. Marahil sa kalungkutan at pangungulila sa magulang, mararamdaman ko ang labis na pagtangis habang nakatitig sa mga bituin.

Ngunit sa pwesto ng mga bituin ay umusbong ang isang imahe. Ang imahe ni Binibining Rose na aking nasilayan kanina. Hindi ko na maalis sa aking isipan ang kanyang mukha. Maaari bang sa isang tingin ay mahulog ang puso ko sa isang binibini?

To be continue...

Totally Obssesed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon