LOA S2 Part 57: Ang Hari ng Karagatan

1.1K 106 4
                                    

Tongtong Kitsakorn as Irano

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tongtong Kitsakorn as Irano

*******

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Jan 25, 2020

Maya maya ay lumapit siya sa akin at ipinakita pa ang kanyang bibig na may katas saka ito idinura sa aking mukha. "Ano masarap ba Irano? Huwag kang mag alala dahil pag patay kana ay ako ang papalit sayo bilang haligi ng Iranya. Itutuloy ko ang aking nasimulan at tatapusin ito."

Lumapit sa akin si Kiran at hinawakan ang aking mukha saka ito pinag yelo.

Gumapang ang lamig sa aking buong mukha hanggang sa mag dilim na ang aking paningin at wala na akong naramdaman pa.

Part 57: Ang Hari ng Karagatan

IRANO POV

"Irvin, gumising ka." ang pag tawag ng isang tinig. Dito ay naramdaman ko ang pag salpok ng malamig na tubig dagat sa aking mukha. Noong imulat ko ang aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili na higa sa dalampasigan at sa aking tabi ay si Haring Kiran na noon ay naka suot ng puting damit at pajama na may burda ng ginto. Naka ngiti ito at naka tingin sa akin. "Kanina ka pa naka higa diyan, maaari bang bumangon kana?" tanong nito kaya naman agad ko itinukod ang aking kamay sa buhangin at sa saka marahang bumangon.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Nandito ka sa aking munting paraiso. At nais kong malaman mo na medyo nagapi ka doon sa itaas." ang natatawang wika niya.

Natahimik ako at napatingin sa kanya. "Ikaw ba yun? Yung baliw na Kiran doon?" tanong ko.

"Hindi, ang mga kalaban mo doon ay pawang mga gawa lamang sa luwad. Ang mga nakatataas na nilalang sa kalawakan katulad ng mga Diyos ay may kakayahang mag manipula ng pag iisip ng isang tao. Para itong isang signal sa utak na maaaring mag bigay ng utos para gawin ang isang bagay. Taglay rin ng Diyos ang kakayahan kumulekta ng memorya o ala-ala sa bawat nilalang na gumagalaw sa mga bituin. Iyon ang dahilan kaya't ang mga ala-ala ng iyong kalaban kanina ay eksakto maliban sa ilang maling bagay na sinasabi nila upang wasakin ang iyong kaloob. Sa makatuwid, ang ginawa ni Enki ay isang high tech na paraan ng tinatawag na cloning gamit ang lupa at natirang DNA ng kanya subject." ang wika niya.

"Kaya naman pala kakaiba ka doon." ang wika ko habang napapailing.

"Napapansin kong puno ng pag aalingan at takot ang iyong sarili Irvin. Ano ang gumugulo sa iyo?" tanong nito.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon