LOA S2 Part 58: Masalimuot na Pag tatagpo

1.3K 107 11
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Jan 26, 2020

Part 58: Masalimuot na Pag tatagpo

NARDING POV

"Arekupp." ang daing ko noong sandaling imulat ko ang aking mga mata. Bukod sa aking ulo ay ibayong kirot rin ang aking nararamdaman sa aking tiyan dahil sa pinsalang ginawa ng kalaban kanina, hindi pa ito tuluyang nag hihilom.

"Ayos ka lang ba Narding?" ang tanong ni Rashida.

"Oo, anong lugar ba ito?" tanong ko sa kanya habang naka tanaw sa isang lupain na kulay pula nag lupa at halos matataas ang batong naka tirik sa lupa.

"Nandito tayo sa planetang Adran, bago pa ito mawasak ng digmaan."

"Bakit tayo nandito?"

"Dinala ka ng portal ni Enki sa lugar na ito. At nais kong malaman mo na hindi tayo nag iisa ngayon. Mayroong kalaban sa gawing kanan at mayroon rin sa gawing kaliwa." ang sagot niya kaya naman agad kong binuo ang aking sarili at inihanda ang aking loob sa mga maaaring mangyari.

Tahimik..

"Hindi ikaw si Nardo. Huwag mong gamitin ang isang mabuting nilalang laban sa akin." ang wika ko noong makita ko ang anghel na nakatayo sa aking kaliwa.

"Kamusta kana Narding? Long time no see." ang bati si Serapin sa aking kanan.

Hindi ako humarap sa kanya. "Wala akong paki alam sa iyo." ang sagot ko sa kanya.

"Oh, attitude. Lumaki na agad ang ulo mo matapos mong masolo si Bart?" ang tanong niya habang naka ngiti.

"Oo at masaya kami ni Bart, mga bagay na bangungot para sa iyo." ang sagot ko.

"Award.." ang wika nito

Maya maya ay nawala si Serapin at naramdaman kong may lumingkis na dambuhalang ahas sa aking katawan. Umikot ang sawa at ginamit niya ang kanyang muscles para ipitin ako ng husto. "Baka ako nag pabangungot sa inyo Narding. Sa tuwing makikita mo si Bart ay maalala mo ako dahil pinag sasaluhan namin ang isang kapangyarihan. Ang akin ay kanya at ang kanya ay akin rin." ang wika niya habang dinidilaan ang aking mukha.

Ako naman ay naka tayo lang at hinahayaan siya sa kanyang kadaldalan. "Ilang beses na nga kitang natalo?" tanong ko

"Natalo? Hindi mo ako natalo Narding. Kahit pinutol ang ulo ko ay naiwan ko pa rin kay Bart ang binhi. At kahit kinain ni Bart ang aking kapangyarihan ay buhay na buhay pa rin ako sa kanyang katawan." sagot niya at mas lumingkis pa sa aking leeg.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon