Sa tabing dagat... makikita ang isang babae na punung puno ng hinagpis ang mukha at siya ay nakaharap sa dagat... tawagin natin syang si Anne... paboritong puntahan nya ang dalampasigan na yon. Araw -araw ay makikitang namumugto ang kanyang mga mata.. At di niya maiwasang balik-balikan sa gunita ang mahapding nakaraan...
(Flashback....)
Makikita sa isang magarang opisina na masayang tinatawag ni Francine si Anne...
"Oi Anne telephone call from Ivan!," masayang sabi ni Francine.
Sa kabilang side makikita na nagbibiro ang mga tinginan nila ni Diana.
"Uy, may date na naman sila mamaya," sabay namang sabi ni Francine at Diana.
Agad naman tumayo si Anne at kinuha ang telepono sa dalawa. "Kayo tlaga! Akin na nga yan! Hello! Ivan. Hi Love kumusta ka na? Na-miss mo ba ako? Miss na miss na kita!" sabik naman bati ni Anne.
At tinugon sya ni Anne at nag-usap sila. "Kagabi lang, nasa bahay ka! paano mo nman ako ma-mimiss??" tanong ni Ivan agad.
At patuloy na ngsalita sa kabilang linya si Ivan.
"Ewan ko, malayo ka lamang sandali ay para bang hindi na ako mapakali." sagot naman ni Ivan.
"Tama na! Ang korni mo! o... ba't ka tumawag?' ang sagot ni Anne.
"Sunduin kita after office hour!" ang sagot ni Ivan.
"Bahala ka... Bye!" tugon ni Anne sa binata.
Makikita na tipong confused si Anne at nagwika " Bakit kaya ganito ang feelings ko?? Parang nagsasawa na ako sa ganitong klaseng relasyon!"
Nang hapong iyon sa tabing-dagat... Magkaharap si Ivan at Anne at nagwika si Ivan ng ganito " Jean, Mahal mo ba ako?"
"Bakit mo naman naitanong?" tugon ni Anne.
Patuloy na nagsalita si Ivan " Kasi matagal na rin tayong magkasintahan pero sa palagay ko ay alinlangan ka pa sa akin?"
Medyo pumormal si Anne at nagwika " Paano ba malalman ng isang tao kung nag-aalinlangan ang knyang minamahal?"
Habang nkatalikod si Anne na ngtatanong sa binata, at tumugon si Ivan "Sa salita, sa kilos, sa maraming bagay! Anne, MAHAL NA MAHAL kita, Alam mo 'yan. Hindi ko makakayang mawala ka sa akin. Sa tingin ko'y nasa edad na tayo para pakasal."
Habang nkatalikod si Anne at nakayap ng sabihin ito biglang inalis ni Anne ang pagkakayakap sa knya ni Ivan at nagsabing " Sorry, Ivan... Marami pa akong pangarap sa family ko at..."
Pinigilan sya ni Ivan magsalita " Ops! tama! Mahal kita at handa akong maghintay! Syanga pala, may good news ako sa iyo". masayang tugon ni Ivan."
"Ano 'yon?" tipong nagulat si Ane. "Kinausap ako ni Boss kanina at ipapadala ako sa Davao. Tumanggi ako lalo na't aabutin ng two years ang contract." sagot ni Ivan.
Tipong naghihinayang at napataas na boses si Anne " For God's sake Ivan, Magandang opportunidad ang pinakawalan mo! Kung ako ang nasa puwesto mo... Hindi ko palalampasin 'yan!"
Makikitang nakakunot at malungkot ang mukha ni Ivan at ngsabi... "Y-You mean iiwanan mo ako?"
At nakangiti na nagsalita si Anne " Why not? Opportunity knocks only once! Jet Age na ngayon! Be practical Ivan!"
At tila ba atubili sa pagtugon ang binata " A-All Right ... I'll accept the offer."
"Good" masayang tugon na tipong may naglalaro sa utak ni Anne at pabulong na ngsabi " And Good Riddance!
At lumpiad na nga si Ivan patungong Davao. Isang umaga habang masaya si Anne na kunin ang Newspaper ay nagulat siya sa nakita....
Headline Balita : Bumagsak ang isang eroplano patungong Davao. Marami ang nasawi at kabilang si Ivan Gomez isang batang bata at bagong engineer ng Delta Engineering Company.....
Halos mawalan ng ulirat si Anne at napasigaw nang " H-HINDI!"
PAGKATAPOS NG LAHAT.... Muli ipinakikita sa huli sa tabing dagat pa din na nakatungo si Anne lubhang malungkot at animoy' sising alipin.... May magagawa pa ba siya? Gayong Huli na nang mabatid niyang Mahal pala niya si Ivan... Sawi na siya. guilty pa....
BINABASA MO ANG
Pagkatapos ng LAHAT
Short StoryIto ay isang storya ng dalawang mag-sing-irog na nagkalayo ng una. Inakala nila ay magkakaroon sila at makakabuo sila ng mga pangarap...subalit naging tragedy at traumatized ang naging ending...