"I'm hungry."
Tahimik kaming nagtungo sa kusina. Pareho kaming mahigpit na nakahawak lang sa isa't-isa. Di pa nagsisink-in sakin lahat but deep inside me ay parang feel ko na yung tuwang sumisibol sa dibdib ko.
Habang pinaghahanda ko sya ng makakain ay natatawa akong nagrereklamo sa kanya. Kasi naman nakayakap lang ito mula sa likod ko habang ito ako't nagpapakabusy.
"Pano kita ipagluluto kung ganyan ka?"
"Bakit? Di ba pwedeng ganto?"
Okay, masyado nang cheesy. Hinarap ko siya at hinawakan sa braso habang nakayakap parin sya sakin.
"Kung pupwede ay umupo ka na muna dun para makahanda ako ng makakain mo?"
Umiiling siya sakin habang nakalabi.
Ay naku!
Di ako makasagot sa kanya, masyadong overwhelming ang kakyutan nya. Napagmasdan ko yung gupit niya at kung pano nito mas pinalitaw iyong features ng mukha nya. Mas lalong nagshine yung mata nya at yung kanyang ngiti...
"Diba pancit canton lang naman lulutoin mo?" natatawa itong nakatitig sakin kaya nalukot yung mukha ko. "Aray naman!" kainis!
"Umayos ka."
"Aw, sabi ko nga."
I ended up spending the night at their place sa kadahilanang hindi namin magawang maghiwalay kahit isang saglit ng oras na yun. Maagang gumising si Franz para ihatid ako sa dorm at makaabot sa klase ko. Pinapanuod kong mabuti iyong mga galaw niya habang nagmamaneho. Ngayo't ngayon itonng napapangiti tas napapakagat sa labi niya, hindi siguro niya pansin iyong pagtitig ko sa kanya kaya di na mawaglit yung ngiti sa labi ko. I'm wondering what made her like this di ko maiwasang hilingin na sana isa ako sa dahilan. Hindi pa namin napag-uusapan iyong set up namin. Actually, ang nangyari kahapon ay yun lang namang pagconfess niya ng feelings nya para sakin -ni wala nga akong maalalang ambag na salita. Hanggang ngayon ay may alanganin pa sa loob ko. Ni hindi rin nya na ako nagawang tanungin pa ulit tsaka nahihiya din akong magsabi. Ano nga ba kasing sasabihin ko? Ni hindi ko nga magawang sabihin sa kanya at bigyang rason kung bakit ako napawalk out noon. Hindi ko mahanap yung tamang salita para ipaliwanag yung side ko. Haayyy...
"Andito na tayo."
Hmm? Napabaling ang tingin ko sa labas at napatango. Alas 6 pa lang naman kaya tahimik pa yung dorm. Nakagat ko na naman iyong labi ko sa pagpigil ng aking ngiti dahil pinagbuksan nya ako ng pinto. Ako na mababaw.
Hinatid nya ako hanggang sa labas ng dorm room ko ng bigla nyang hawakan iyong braso ko't pinaharap sa kanya.
"Kara," mukhang nahihiya pa ito kasi hindi siya makatingin sakin ng diretso.
"Hmm?"
"Uhm, pwede bang ihatid kita sa school mo?" nakakatuwa kasi namumula pa yung pisngi niya. Mas lalong nakaka attract yung messy nyang buhok tas ito? Oh Franz, what you do to me.
"What time ba klase mo?" nakahalukipkip kong tanong sa kanya.
"Mamayang alas 10 pa." napaangat yung kilay ko. "Walang pasok yung first period dahil may orientation na gagawin yung mga prof."
Napabuntong hininga ako at nakangiti siyang hinila sa loob ng dorm. Solo ko lang naman iyong kwarto dahil di ako sanay na may kasamang ibang tao.
"Maupo ka muna jan at magriready lang ako." ang lappad ng ngiti nyang tatango-tango sakin kaya ginawa ko na lang muna yung dapat ko gawin.
Natatawa ako habang inaayos yung sarili ko, kasi naman! Ilang lakaran lang naman kasi yung uni. Sus!
"Breakfast ka muna bago pumasok?"
BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
FanfictionThis is a gxg super short story (girl to girl) ... Simpleng estorya. 😋 Dedicated po ito sa crush ko dati hahaha!