KABANATA 2

74 12 3
                                    

“Heneral, mayroong sulat mula kay Kapitan Blue, pinaabot kaninang madaling araw,” bungad sa akin ni Julio nang lumabas ako ng aking silid.

Inabot n’ya sa’kin ang isang sobre na may lamang isang papel na mayroong sulat mula kay Kapitan Henry Blue, ama ni Rose.

I am inviting you here at my house this sunset. We are having a dinner with the rich people in this town. There’s something we all need to talk to. As a general, you have the rights to know some activities that the government will do in this town.
I hope you will come to the dinner tonight.

Captain Henry Blue
U.S. Brigadier Officer

Marahil nagpa-plano sila para sa bayan dahil ang mga makakapangyarihan na tao rito sa San Feliciano ay mga mayayaman.  Maaaring may mali silang hakbang kaya nararapat na magtungo ako roon para alamin.

----------

Gabi na nang makarating ako sa Mansion ng mga Blue. Agad kaming hinarang ng mga sundalo sa tarangkahan ngunit sumaludo sila ng makitang isa akong heneral. Dala ang aking hukbo ay tinahak namin ang loob ng mansion para paunlakan si Kapitan Blue.

“I’m too glad to know that you’re here general,” bungad n’ya sa’kin pagpasok ko ng pinto. Nakipagkamayan naman siya pati na rin ang iba pang personalidad sa loob ng tahanan Blue.

“I’m glad too, so what was this meeting all about?” tanong ko.

Para bang natigilan sila sa kanilang tawanan nang magtanong ako. Agad akong hinarap ni Kapitan Henry, “it seems you’re to quick General Eduardo.”

“Sorry but I was to go to the main point of this meeting,” sagot ko. Napatawa na lamang ang kapitan at muling tumugon.

“Just have a drink general and relax on your sit.”

“Sorry but I don’t drink wine and any beverages with an alcohol,” sagot ko.

“You’re too sensitive to your health that’s why you look masculine in your general suit,” aniya.

“Can I have a water?” hingi ko na lamang.

“Oh sure, I will get it for you general,” tugon ng kapitan at tumayo sa kinauupuan.

“But why are you going to get it if you have your made to do that?” bulong ko sa sarili ko.

Natigilan s’ya at tumingin sa’kin, “we entertain our visitors hospitably general, do you have any doubt?” seryoso n’yang sagot.

“You’re too kind Captain, thank you,” tanging sambit ko na lamang kaya agad s’yang tumungo sa isang silid, ‘yun ata ang kusina nila.

----------

Kanina pa sila nagkukwentuhan pero hindi ko pa rin magalaw ang tubig na dinala sa’kin ni Kapitan Henry. Nagtatawanan sila ngunit wala pa akong naririnig na plano nila. Kanina tingin ng tingin sa’kin si Kapitan Blue na para bang may mali sa mukha ko.

“Let’s have our toast my friends,” ani Kapitan Henry.

Nagsitaasan ang mga kamay namin hawak ang kanya-kanyang alak maliban sa akin na tubig ang hawak. Painom na sana ako nang may sumigaw mula sa labas ng tahanan Blue.

“Heneral! Heneral!” paggagaluntang hiyaw mula sa labas.

Para bang may bumabagabag kay Kapitan Blue nang ibaba ko ang walang bawas na tubig ko. Para bang may pagkadismaya sa mukha n’ya. Nalilito ako sapagkat ‘di ko alam kung bakit.

Lahat kami ay natigilan para tumingin sa kanina pang hiyaw ng hiyaw sa labas. Napatayo kaming tumingin mula sa balkonahe at nakita kong si Julio ang sumisigaw.

Totally Obssesed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon