3: The Cyborg, Romi

65 24 35
                                    

WHAT. The. Actual. Fuck?!

Ano 'to?? Bakit may balon dito sa ilalim ng kama ko?? Teka, may narinig akong tumalon kanina! Ano 'yun? O sino 'yun??

I'm so creeped out right now! Bukod sa ngayon lang ako nakakita ng balon na ganito, eh hindi ko din alam kung ano bang pwedeng lumabas galing dito! Mukhang luma na itong balon at puro lumot na din sa gilid. Pero may tubig pa sya sa ilalim, right? Dahil yun ang narinig ko.

Itinutok ko ang cellphone ko sa loob ng balon para makita kung may tubig nga pero wala akong makita. Ang dilim... at parang may iba. Parang... may umaangat mula sa balon! Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang phone ko. I ran to the door pero nanginginig ang mga kamay ko, hindi ko mapihit ang doorknob. Lumingon ako sa balon and saw a forehead. I swear, that's a forehead!

I've seen things like this sa movie! I swear, that's Sadako coming out from there!!!

"Shit! Shit! Shit! Shit!", inis na bulong ko habang pinipilit pa din buksan ang pinto. Bakit ba ayaw bumukas nito?!

Napalingon ulit ako at napatulala. Right now, nakalabas na yung something sa balon. It's a she. Pero instead of long black hair, gray ang buhok nya na hanggang balikat. She's wearing a black hooded long-sleeve jacket at black pants na ngayon ay basa na din tulad nya. Meron din syang suot na makapal na itim na choker sa leeg nya na may pahabang metal-like na pendant.

Maya-maya ay tumayo sya at tumingin sa akin. Dahan-dahan nyang iniangat ang kamay nya at nakita kong hawak nya ang phone ko. Iniaabot nya yun sa akin pero tiningnan ko lang yun.

Ayoko ngang lumapit! Baka mamaya kagatin ako nyan eh!

Ihinagis nya sa ibabaw ng kama yung phone ko pagkatapos ay nagpalinga-linga sa paligid.

"Sino ka?", tanong nya maya-maya. I was surprised. I don't know if it's her voice or her question that surprised me.

"Ha! Sino ako??", sabi ko. Ewan ko pero bigla akong nagkalakas ng loob na tumayo at kausapin sya. "Ikaw ang lumabas mula dyan at ikaw pa ang magtatanong kung sino ako? Wow!", sarcastic na sagot ko. Pero hindi nagbago ang itsura ng mukha ng babae.

Actually, walang emotion ang mukha nya. And then she looked at me as if assessing me from head to toe. I frowned.

"W-what are you staring at?!", nauutal na tanong ko. Baka iniisip nya nang kagatin ako! Nooo!

"Weak human.", sabi nya in her ice-cold voice. Napangisi ako sa narinig.

Weak? Ako? Ako ang tinutukoy nya, right?!

Binabadtrip ako ng babaeng 'to ah! Pero bago pa ko makapagsalita ay nagsalita ulit sya.

"Anong taon na ngayon?", tanong nya. Again, I frowned.

"Ano? Year 2020 na ngayon.", sagot ko. Pero parang hindi nya naman ako narinig. Lumapit sya sa malaking bintana na nasa isang corner ng kwarto ko at sumilip sa labas.

She's not gonna jump, right? Hell, no. Our apartment is in the third floor. Sa payat nyang yan baka magkabali-bali ang buto nya kapag tumalon sya mula dito pababa. I smiled at that thought. Pero nawala din agad ang ngiti ko nang ma-realize ko 'yun. Nasa third floor ang apartment namin. Paanong nagkaroon ng balon dito at may tubig pa??

"Hey.", I was about to ask the girl pero laking gulat ko nang tumalon sya.

Tumalon sya!

"Hey!", sigaw ko. Tumakbo ako palapit sa bintana at hinanap ang babae sa labas. Pero wala sya.

In Order To Protect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon