Childhood Sweetheart, best buddy at magkasama sa trabaho dati sa isang supermarket. Ganun kami ka-close as in SUPER, kaya comfortable akong kasama siya. I treat him like a brother to me. Sa kanya ko nasasabi lahat ng problema ko, kahit pa nga siguro ang mangulangot sa harap niya ay nagagawa ko, ganun ako ka comfort sa kanya.
At nakikita ko rin ang panliligaw niya sa mga babaeng nagugustuhan niya at lage siyang bigo, hindi kasi nila alam kung gaano kabuting tao si Jaybee. May mabuti siyang puso at higit sa lahat hindi siya mapaglaro sa babae. Siya iyong tipo ng lalaki na katulad ko magmahal, seryoso. Pero sadyang hindi pa siguro niya nahanap ang babae para sa kanya.
Dumating iyong time na nalaman niya ang pagbubuntis ko at ang pagtalikod sa akin ni Marknell. Galit na galit siya pero hindi niya ako iniwan, hindi nagbago ang pakikutungo niya sa akin. Ang baet baet niya talaga sa akin, lage siyang nagpapaalala sa akin at sinasamahan niya ako in my ups and downs. Nararamdaman ko rin iyong pag aalala niya at ganun din naman ako sa kanya. Isa rin siya sa dahilan kung bakit nakayanan ko lahat ng pagsubok sa buhay ko, dahil alam ko na hindi ako nag-iisa at nararamdaman ko na hindi pa katapusan ng mundo na may mga tao pang nagmamahal sa akin.
I like him. Pero hanggang doon lang iyon, mas nanaig sa puso ko ang pagmamahal bilang isang kaibigan sa kanya. Minsan kasi naiisip ko na baka ma fall in love na ako kay Jaybee. Pero tinatanggal ko iyon dahil hindi pwede. Sahil siya ang aking bff.
BINABASA MO ANG
MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)
RomanceDo you believe in second chances? How about love at first sight? True love? Letting go? Does love never die? Or being a martyr in love? This story shows what really GREAT love is. Love is a powerful thing in the world, it changes everything. But how...