[Meeting 'da presko gUy]

896 28 1
                                    

Christoff inside his car.

I am so bored and irritated, pinipilit kasi ako ni Dad na pag-aralan ang Insurance Company namin. Since I am the kuya, ako ang inaasahan na susunod sa yapak ng aking ama. I am a korean. Full blooded korean. Pero dito na ako sa Pinas lumaki at pinanganak, dahil dito na nag settle down ang Parents ko. Mas maganda daw kasi mag negosyo dito sa Pinas kaysa doon sa Korea pero nababakasyon naman kami sa SK pag may mga importanteng okasyon  ang ng mga relatives namin doon.

I was so shocked kanina ng makita ang isang babae, kinarate lang naman nito ang isang snacher and just wow. Ang cool niya, lumakad ito na para bang walang nangyari? Gusto kong bumaba sa kotse ko para makilala ang babae pero hindi naman pwede dahil naipit ako sa traffic. Nawala sa paningin ko ang babae, sayang. Di naman nagtagal at nakausad na rin ang sasakyan ko. Paliko na ako pero nagkataon namang nasa stop light at naka stop signal, malas ko talaga at parang mala-late pa ako sa first day ko sa company.

And then I saw her. At mas namangha pa ako ng makita itong may bitbit na? I don't know what kind of thing it is, pero hindi maganda iyon para sa kanya. Tumawid siya kasama ang may katandaang ginang at nakita ko na hindi siya nahihiyang magdala ng ganun, in fact she's smiling. At doon nakuha niya ang puso ko. I don't believe in love in first sight, but this woman makes me believe on it.

Nakita ko ang pagkausap niya sa ginang at nagpalinga linga ito. Is she looking for a jeepney? Nag green light na kaya naman kahit labag sa kalooban ko ay dumeretso na ako, anyway tanaw ko na ang building kaya may chance na maabutan ko pa ang girl.

- - -

Nagpalinga-linga ako, naghahanap ako ng taxi na pwedeng pagsakyan ni Lola dahil mahihirapan na itong sumakay sa jeep dahil may kabigatan ang dala nitong bayong.

"Lola, next time po huwag na kayong mamili mag-isa, magpasama po kayo sa anak o apo niyo ha?"

"May mga trabaho na ang mga apo ko ineng."

"Ako nga po pala si Jhinkee, Lola."

"Lola Iseng naman ako. Ang bait mong bata, swerte ang mga magulang mo sayo."

"Naku, salamat po." may nakita akong taxi at pinara ko iyon.

"Pakihatid po kay lola." inabutan ko ng isang libo ang driver."keep lola safe." sabi ko sa driver at nagpaalam na ako ke lola.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang relo ko. OMG! ma la-late na ako! Inayos ko ang takong ko at palda. Mabilis na kumaripas ako ng takbo papunta sa building. Napapatingin na lang sa akin ang mga nakakasalubong ko.

Sorey I am just on a hurry. ^_____^v

- - -

"Good morning!" humihingal na bati ko kay Manong guard.

"Naku Miss Jhin, late na po kayo."

"Manong naman, advance masyado iyang relo niyo may five minutes pa ako." napahawak ako sa dibdib ko to catch up some breath.

Tumawa ito. "three minutes nalang Miss Jhin."

Nanlaki ang mga mata ko. "Okey, thanks Manong!" patakbo akong pumasok at nagmamadaling pinindot ang elevator. Ang tagal -_-.

"Hi Miss." bati sa akin ng katabi ko. Tiningnan ko siya ops.. tumingala pala, pambihira ang tangkad nito, nagmumukha akong unano kahit naka takong na ako.

"I'm Christoff and you are?" inilahad nito ang palad sa akin, hindi ko siya kilala.. is he new here? Nag leave kasi ako ng one month, dahil nag bakasyon ako sa province namin, kaya nabalitaan ko na marami na raw kaming kasamang bago, is he one of them?

Bumukas ang elevator. Pumasok na ako sa loob at sinenyasan siyang pumasok dahil parang tuod lang ito na nakatayo habang nakatingin sa akin.

- - -

Para akong tinuklaw ng ahas pagkakita sa babae na katabi ko, is this really happening? the girl I wanted to meet kanina lang ay katabi ko ngayon? Akala ko di ko na siya makikita dahil kinailangan ko ng pumasok, panay na kasi ang tawag ni Dad sa akin. Inayos ko ang sarili ko at lakas loob na nagpakilala dito.

"Hi miss." lumakas ang kabog ng dibdib ko nang lingunin niya ako at tumingala sa akin. I am much more taller than her. "I'm Christoff and you are?" sabay lahad ng kamay sa kanya.

Hindi niya tinanggap ang kamay ko. Iniwan niya ako at pumasok sa elevator, napahiya ako habang nakatingin sa kanya. First time may nag reject sa kamay ko. Then nakita ko ang pagsenyas niya, she wanted me to get inside? oh she's really something.

"I'm sorry for being rude ha? nagmamadali lang talaga ako eh. Anyway, I'm Jhinkee isa akong accounting staff dito." sabi nito at inilahad ang kamay sa akin. Napangiti ako at tinanggap ko iyon.

"Nice meeting you, Jhinkee. You have a pretty name and it suits you."

"Thank you." binawi na niya ang kamay sa akin, but I really wanted to hold her hands once more again.

"You know what? I like you."

- - -

Nangunot ang noo ko ng marinig ang sinabi niya, wow ang presko ha? "what did you say?" tanong ko dahil baka nabinge lang ako.

"I said, I like you." ulit nito.

Napapikit ako, wew mga kalakihan nga naman ngayon. Hindi ko siya sinagot at thanks God bumukas ang elevator. Nagmamadali na akong pumunta sa office namin, pero bago ako pumasok lumingon ako sa elevator, hmm buti nalang wala na ang lalaki. Pambihira talaga. Nagtuloy tuloy na ako sa loob.

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon