Nasa bahay na kami ni bff Jaybee, ayaw kong i-spoil ang moment namin pero naiiyak talaga ako eh. Kaya di ko napigilan ang sariling umiyak sa harap niya.
"Hey.. why are you crying?" pinunasan niya ang pisnge ko. Kaagad na niyakap ko si Jaybee.
"Bff.. a-akala ko.. akala ko talaga.. okey na ako. Pero hindi parin pala, nasasaktan parin ako bff." umiyak ako ng umiyak sa kanya. Hinimas himas niya ang likod ko. Hindi siya nagsalita basta nakinig lang siya.
"Nakita ko ulit siya bff.. at naramdaman ko parin iyong pain.. anong gagawin ko?"
"Una, ibigay mo na muna sa akin ang pasalubong mo." ngumiti siya sa akin.
Nahampas ko siya. "sira ka talaga." tumayo ako at kinuha ang pasalubong para sa kanya, isa iyong shell na pendant.
"Jhin, siguro dahil hindi mo inaasahan na magkikita pa kayo kaya ganyan ang naging feelings mo.. ka work mo siya ngayon?"
Marahan akong tumango. Bumuntong hininga si Jaybee at hinawakan ang mga kamay ko. "just keep on ignoring him hanggang sa masanay ka sa presensiya niya. That's the best thing you could do."
Ngumiti ako sa kanya at muli siyang niyakap. "thank you bff."
- - -
Nandito na naman ako, tagapakinig sa heartaches ni Jhin. Kailan ko ba masasabing nasasaktan rin ako ng sobra? Na special siya puso ko. Hindi dahil bff ko siya kundi isa siyang babae na karapat dapat mahalin. Natatakot ako kapag nalaman niya ang feelings ko dahil baka mawala siya sa buhay ko, iyon ang hindi ko kakayanin. At mas natatakot ako ngayon dahil malapit na naman siya kay Marknell, ang lalaking labis na iniyakan niya noon.
Magkalaro, magkasama sa lahat ng bagay ganun kami at inaamin kong dinarasal ko na matutunan niya akong mahalin, hindi bilang isang bff niya kundi bilang isang lalaki na karapat dapat para sa kanya.
At ngayon nga.. umiiyak na naman siya to the same person again. Gusto kong saktan ang lalaking iyon, pero hindi ko magagawa dahil alam kong masasaktan din si Jhin. Niyakap ko siya ng mahigpit habang nakayakap din siya sa akin .
Sana maramdaman mong mahal kita Jhin, sana makita mo na ako.. hindi ko napigilan ang mapaluha.
"Bff? umiiyak ka rin?" tanong niya sa akin habang magkayakap parin kami.
"Maiiyak talaga ako sa baho mo." biro ko. Naramdaman ko ang pagkurot niya sa tagiliran ko. Sana ganito nalang kami habang buhay, sana huminto ang oras sa mga sandaling kayakap ko siya.
=============================================================================
Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..
Luh' yah!
BINABASA MO ANG
MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)
RomanceDo you believe in second chances? How about love at first sight? True love? Letting go? Does love never die? Or being a martyr in love? This story shows what really GREAT love is. Love is a powerful thing in the world, it changes everything. But how...