Pagkatapos naming magsimba ay dumeretso kaagad kami sa Mall para magpalamig at mag foodtrip. Naka angkla ako sa braso ni Jaybee, ganun kami ka close.
Nakita ko ang maraming teddybear kaya hinila ko siya doon. "bff, teddybear." nagpa puppy eyes ako. Dinutdot nito ang noo ko.
"Punong puno na ng teddybears yong kwarto mo."
"Sige na.. please?" paglalambing ko pa.
"Anong kulay gusto mo?"
Napalakas ang yes ko. Ang baet talaga ng bff ko. ^__^ . "uhm, iyong pink nalang.."
"Kahit kailan talaga.. ate pinakamalaki nga." baling nito sa saleslady.
"Bff.. CR na muna ako ha? Huwag mo ng ipabalot, gusto ko siyang yakapin."
- - -
Paliko na ako ng makita ko si Marknell, napatigil ako sa paghakbang. Mabilis na tumalikod ako. Kay bilis parin ng kabog ng dibdib ko. Napakagat labi ako at bumalik kay Jaybee.
"Oh? ang bilis mo yatang mag CR ngayon?" takang tanong niya sa akin.
"Ah eh.. nawala agad eh."
"Alam mo hindi ka makakalusot sa akin, tell me anong problema at parang di ka mapakali?"
"Jhin wait.." si Marknell. Nakita pala ako nito at sinundan. Lumipat ang tingin nito kay Jaybee.
"Bff let's go." hinila ko na si Jaybee, hawak hawak niya ang malaking teddybear.
"Jhin.. please.. pwede ba tayong mag usap? kahit sandali lang?" paki-usap ni Marknell.
Napahigpit ang hawak ko kay Jaybee. Lumingon si Jaybee kay Marknell. "ang kapal ng mukha mong makipag usap pa sa kanya."
"Bff tara na please..." saway ko sa kanya. Pero hindi nagpaawat si Jaybee. "hindi ka na niya kilala, kaya huwag mo na siyang guluhin pa."
"Jhin, please.. let's talk.. ang anak ko.. ang anak natin, kumusta siya? nasaan siya?"
Tuluyan na akong napaiyak. Isang malakas na suntok ang natikman nito mula kay Jaybee. "ang lakas ng loob mong magtanong! ang kapal kapal ng mukha mo, pagkatapos ng ginawa mo sa kanya! Nasaan ka nung kailangan ka niya ha? nagpakasarap sa iba!"
Inawat sila ng gwardiya.
"Bff please tama na.." niyakap ko si Jaybee. Hinila ko siya palayo kay Marknell.
Ang init parin ng ulo ni Jaybee ng makarating kami sa parking area. Inilagay niya ang teddybear sa loob ng sasakyan.
"Ang kapal ng mukha! sigurado kabang iyong taong yon ang minahal mo, ha?"
"Bff tama na please.." umiyak ako, naramdaman ko kasi ang sakit ng tanungin niya ang anak namin.
Niyakap ako ni Jaybee at isinubsob ko ang mukha sa dibdib niya. "I'm sorry, hindi ko lang napigilan ang galit ko. Shh tahan na."
- - -
"Are you sure okey ka na?" tanong niya sa akin ng nasa harap na kami sa bahay ko.
Marahan akong tumango kay Jaybee. "uo naman, sige na umuwe kana dahil maaga pa ang pasok mo bukas.. salamat sa teddybear." ngumiti ako sa kanya.
Lumabas siya ng sasakyan at muling niyakap ako. "don't cry.."
"Promise hindi ako iiyak." hinalikan niya ako sa noo bago bumalik sa sasakyan at pinaandar iyon.
Nadama ko ang aking noo. Ang lameg nun ah? ^__^ Masayang niyakap ko ang bago kong teddybear.
- - -
"Babe? gabi na ah.. bakit ka napasugod? teka anong nangyari sa mukha mo? bakit may pasa ka?"
Napatitig ako kay Yas, siya ang babaeng pinagpalit ko kay Jhin noon, masaya naman ako sa relasyon namin, uo inaamin ko na ginamit ko lang siya para matakasan ang responsibility ko kay Jhin noon, pero five years na kami at masasabi ko namang mahal ko na siya.
"Namiss lang kita." sabi ko sa kanya. Niyakap niya ako.
"Alam kong may problema ka babe.. tell me baka makatulong ako sayo."
Hinatak ko siya at hinalikan sa labi, gusto kong maramdaman ulit si Yas, dahil natatakot akong malaman ang totoo kong damdamin. Ayaw kong mahalin ulit si Jhin, dahil hindi niya ako deserving, she deserves someone better than me.
But when I closed my eyes, si Jhin ang nakita ko sa aking isipan, bumalik ang init ng damdamin ko para sa kanya. Na sa kanya ko lang nararamdaman. Tumalikod ako kay Yas. Hindi pwede.. hindi pwedeng si Jhin ulit.
"Babe?"
Hinarap ko si Yas. "Sige na, magpahinga kana. Goodnight."
"Iloveyou?"
Hinalikan ko siya sa noo, bago siya iniwan.
=============================================================================
Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..
Luh' yah!
BINABASA MO ANG
MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)
RomanceDo you believe in second chances? How about love at first sight? True love? Letting go? Does love never die? Or being a martyr in love? This story shows what really GREAT love is. Love is a powerful thing in the world, it changes everything. But how...