Busina ako ng busina. Hay ang Pinas talaga kung maka traffic wagas. Nag aalala na ako ka Miss Jhin, nakabili na rin ako ng gamot para sa kanya. Tinatawagan ko rin siya ulit pero wala ng sumasagot baka kung ano ng nangyari sa kanya. I have her address, kinuha ko sa files sa company dahil di siya pumasok kahapon.
Kulang kulang isang oras bago ko narating ang bahay niya. Nag ba-buzz ako pero walang sumasagot, mababa lang ang gate niya kaya inakyat ko iyon. Kumatok sa pinto pero wala paring sumasagot. Hinanap ko ang emergency key niya na pwedeng pagtaguan sa labas at salamat naman at nahanap ko iyon. Pagbukas ko nakita ko siyang nakadapa sa sofa habang tulog na tulog pero pinagpapawisan ito.
"My god!" sobrang init niya.
"Miss Jhin.. miss Jhin." gising ko sa kanya dahil nagdidileryo na siya.
"Mark.. Marknell hayop ka.."
Ha? sinong Marknell? hayop daw? ah baka aso niya. "Miss Jhin it's me Christoff. " binuhat ko siya at patakbong isinakay sa kotse ko.
"Hold on, malapit na tayo sa hospital."
Ngayon lang ako nakaramdam ng sobra sobrang takot at pag aalala..
- - -
Puro puti ang nakikita ko.. asan ako? patay na ba ako? eto na ba ang langit? pagbaling ko may nakita akong nakayukyok at hawak hawak ang kamay ko. Si Jaybee ba ito? Ginalaw ko ang daliri ko at ipinasok sa ilong niya. Hindi naman ganun katangos ang ilong ni Bff. Nagising ito dahil sa ginawa ko.. si Christoff? anong ginagawa niya dito? at bakit siya ang kasama ko? nasaan kami?
"How do you feel? Do you need anything? May masakit paba sayo?" sunod sunod na tanong niya sa akin. "wait tatawag lang ako ng nurse."
Hinigpitawan ko ang pagkakahawak sa kamay niya sabay iling. Kaya napabalik siya sa pag-upo sa tabi ko.
"I'm fine.. thank you."
Dinala niya ang mga kamay ko sa labi niya. "hindi mo alam kung gaano ako nag-alala para sayo.. huwag mo ng uulitin ito."
Naramdaman ko ang sencerity niya. "tao ako.. nagkakasakit din."
"I know, but you have to take good care of yourself." hinaplos haplos niya ang buhok ko. "I don't want to see you lying like this."
Nag aalala talaga siya sa akin. Napapikit ako at muling napaiyak ng maalala si Marknell. Mabilis na pinahid niya ang luha ko.
"Don't cry." tumayo na ito at tinawag ang nurse. Pagkatapos akong i-check ng nurse ay pwede na raw akong umuwe at sa bahay nalang magpahinga.
"Thank you for bringing me here pero paano ka nakapunta sa bahay at nakapasok?" takang tanong ko.
Hinawakan niya ang braso ko para alalayan papasok sa kotse niya. "hindi lang ako gwapo, matalino pa kaya ako. Kaya inlove kana?"
Nahampas ko siya sa braso. "hangin mo talaga, tsaka na pag malaki na mata mo." napangiti na rin ako.
- - -
Pagdating namin sa bahay ay nagpaalam na kaagad ito. Kumaway ako sa kanya habang palayo ang kotse niya. Mabaet naman pala talaga siya. Aba mukhang magbabago na ang tingin ko sa tsinitong iyon ah.
Pagpasok ko sa bahay, nakita ko sa sofa ang isang paper bag na puno ng gamot. Hindi ko napigilan ang mapangiti biglang pumasok sa isip ko ang first meet namin sa elevator.. sa canteen.. sa ground floor.. at ang halik nia? no no no. Jhin erase erase okey?
Napasandal ako sa sofa at pumikit. Now what? deadma deadmahan na naman kay Marknell bukas? okey huling iyak nalang pagbigyan niyo na ako. ngawa Jhin, ingawa ko na lahat. huhu. Okey moment ko to.
- - -
"Manong good morning po." malumanay na bati ko kay Manong Guard.
Tumingin ito sa relo . "thirty minutes pa Miss Jhin, ang aga mo yata ngayon?"
"Kailangan po Manong, naka absent po kasi ako eh."
"Ah oo nga pala." inabot niya sa akin ang susi ng sasakyan ko. "naiwan mo pala yan Miss Jhin."
"Salamat po." pumasok na ako sa loob, wala pang katao tao sa office namin. Pabagsak akong naupo. Pagbukas ko ng bag nakita ko doon ang panyo na ibinigay ni Marknell. Hayst. Itinapon ko iyon sa trash can malapit sa akin.
"Jhin.." napaangat ako ng tingin, si Marknell. "Jhin, I can explain.."
Tiningnan ko ang relo ko. "I'll give you five minutes to explain." kinuha ko ang ballpen ko at nagsimula ng magpirma.
"Alam ko na mali ako, pero wala na kami ni Yas.. iniwan ko na siya para sayo. I just realized na ikaw pala talaga ang mahal ko."
Akma niyang hahawakan ang kamay ko. Pero iniwas ko iyon. Funny pero wala akong sakit na nararamdaman, kundi matinding galit.
"Jhin mahal na mahal kita.. please.. believe me." umiiyak siya.
Tiningnan ko siya. "Iyang luha mo? patak lang yan sa mga naging luha ko sayo noon at kahit na ngayon Marknell. Muntik na nga akong maniwala na pwede pa ulit tayo, pero NO. Nauntog na ako sa katangahan ko sayo. wala ng tayo. kaya manahimik ka nalang diyan sa tabi at kunwaring hindi mo ako kilala."
Tiningnan ko ang relo ko. "times up. Umalis kana sa harapan ko."
Mabigat ang hakbang nito na umalis sa tabi ko. See what kind of person he is? Mahal daw ako? pag mahal mo ang isang tao hindi ka duwag! Isa siyang loser! LOSER!
=============================================================================
Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..
Luh' yah!
BINABASA MO ANG
MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)
RomanceDo you believe in second chances? How about love at first sight? True love? Letting go? Does love never die? Or being a martyr in love? This story shows what really GREAT love is. Love is a powerful thing in the world, it changes everything. But how...