Chapter Nine - One more chance

468 12 1
                                    

Simula ng magdate kami ni Christoff walang araw na hindi niya ako dinadalaw sa office para bigyan ng bulaklak at ito na rin nga ang taga libre sa akin sa canteen at hindi lang sa department namin nagkakaroon ng chismis pati na sa buong building. Iyong tipong maglalakad lang ako, magbubulungan na sila. -_-

But Christoff never failed to make me happy there are times na naiisip ko na siya instead of Marknell. There are times na napapangiti nalang ako mag-isa sa tuwing naaalala ko ang mga pa kengkoy niya. He doesn't afraid of anything. He is so very showy of what he feels for me .

"Bakit ka ba nakadilat?" tanong ko kay Christoff, kaharap ko siya sa mesa ko habang panay naman ang mga tuksuhan ng mga bubuyog kong kasama.

"Malay mo, sagotin mo na ako pag big na eyes ko." and he keeps in making his eyes big. Hindi ko napigilan ang matawa.

"You're crazy, kahit ano gawin mo sa mata mo hindi na yan lalaki."

"So it means there is no way for you to love me?" biglang seryoso nito. Natahimik bigla ang paligid. Hindi rin ako makapagsalita. Tumayo siya at hinarap ang mga kateammates ko. "I love Miss Jhin. I love her."

Hiyawan.

Nang tumingin ako kay Marknell di ko alam kung ano ang naramdaman ko. Ilang beses niya rin tinangkang kausapin ako.. eto na nga siguro iyong.. mahal ko o mahal ako. hays. sinaway ko na si Christoff.

- - -

Di ko alam kung anong klaseng sakit ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Kaya naglasing ako, si Jhin wala na na sa akin ayaw na niya sa akin, eto na siguro lahat ng kabayaran sa ginawa ko sa kanya noon. Nandito ako nag iisa sa pad ko at walang ibang laman ang isip ko kundi si Jhin. Puro nalang Jhin.

Inihagis ko ang boteng hawak ko. Hindi ko napigilan ang mapaiyak. Ganito ba ang karma?

Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Yas.

"Marknell.. babe.."

"Are you happy that I am miserable now? happy?"

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Marknell miserable na rin ang buhay ko pag wala ka.. please tama na. Stop wasting your love para sa taong hindi kana mahal, please nandito naman ako eh. Ako nalang ang mahalin mo ulit."

"Then stop wasting your love to me." tinanggal ko ang mga braso niya. "Yas. Mahal ko siya, ilang beses ko bang sasabihin sayong hindi na kita mahal?"

Pinahid niya ang luha niya. At nagsimulang ligpitin ang kalat ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Yas tama na! sinasaktan mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo!"

"Tama na rin! di mo ba nakikita? Babe .. five years umikot ang buhay ko sayo. Ni katiting wala akong tinira sa sarili ko! wala! Kung ikaw ginagawa lahat para makuha ulit siya, pwes ako gagawin lahat para mahalin mo lang ako.. ulit!"

Napasabunot ako. Inis na tinadyakan ko ang mesa kaya naglaglagan ang mga bote ng beer. "pagbalik ko dapat wala kana, maliwanag ba?" yun lang at iniwan ko na siya.

- - -

Nakarating ako sa bahay ni Jhin. 

"Jhin kausapin mo ko please.." pagmamakaawa ko. "Please mahal na mahal kita." kinalampag ko ang gate niya. Wala na akong pakialam pa.

Lumabas siya.. ang babaeng mahal ko.. "Jhin.. kausapin mo na ako, magpapaliwanag ako. Iniwan ko na lahat para sayo. Gagawin ko na lahat para sayo.. please." umiyak ako ng umiyak at gaya ko umiiyak na rin siya. Hindi siya lumabas sa gate pero nakikita ko siya .

- - -

Napaiyak ako ng makita si Marknell sa labas ng gate. Umiiyak ito. Napakagat labi ako. "Marknell tama na.. ilang beses ko bang sasabihin sayong tapos na tayo?"

"Jhin.. please I need you. Kailangan kita sa buhay ko. Pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko, patawarin mo na ako please.."

Tinalikuran ko siya dahil baka bumigay ako pagkaharap ko siya.

"ISA PANG PAGKAKATAON ANG HINIHILING KO SAYO, AT PINAPANGAKO KO SA PAGKAKATAONG ITO HINDI NA KITA SASAKTAN PA, HINDI NA AKO MADUDUWAG NA IPAGLABAN KA."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Binuksan ko ang gate at niyakap siya habang umiiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit. 

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon