Chapter Nineteen - Still loving you

493 12 0
                                    

Nag gro-grocery kami ni Teddybuds, nakasakay siya sa big cart na tulak tulak ko. Uo ang likot talaga nito panay turo pa ng kung ano-ano.

"Jhinkee?"

Tinitigan ko ang tumawag sa akin. May bitbit itong grocery basket. "Marknell?!" tuwang niyakap ko siya. "wow look at you, you look better now!"

"Hindi naman, sinwerte lang sa buhay. Ikaw din ang ganda mo parin hanggang ngayon walang kupas." puri niya.

"Alam mo yan." biro ko. Lumipad ang tingin nito kay Teddybuds na nakabusangot ang mukha, di ko kasi ito pinag bigyan na maghakot ng sandamakmak na candies.

"Oh.. what happened to your face?" yumuko ito para magpantay ang mukha nila.

"Mom don't want me to eat candies!" sabay irap sa akin. Naku sarap batukan ng batang ito. Tumawa si Marknell.

"Manang-mana ka sa Daddy mo ah."

Napatda ako sa sinabi ni Marknell, nag-iba naman ang mukha ni Teddybuds. "you know my Daddy? where is he? I want to see him! bring me to Daddyyyyyy now!"

Takang napatingin sa akin si Marknell.

- - -

Umiyak ng umiyak si Teddybuds kanina, nagwawala na ito dahil sa kagustuhang makita ang Daddy nito. At ngayon naman tulog na tulog ito habang karga karga ni Marknell. Inihatid niya kami hanggang sa parking lot ng Mall.

"I'm sorry hindi ko alam na wala na pala kayo ni Christoff."

"It's not your fault.. marami lang talaga ang nangyari." ikwinento ko dito ang nangyari habang kumakain kami kanina.

"Bakit ayaw mong sabihin sa kanya? Karapatan niyang malaman ang totoo dahil siya ang ama."

"May sariling pamilya na siya Marknell kaya nagdadalawang-isip na ako ngayon." binuksan ko ang kotse at maingat na inilapag niya si Teddybuds.

"Still, he needs to know.." hinawakan niya ang kamay ko. "lalaki ako, ama din ako kaya alam kong masasaktan sila pareho kung itatago mo sa kanila ang totoo."

Marahang tumango ako. "thank you Marknell, pag-iisipan ko." tumunog ang cellphone nito. Alanganin itong ngumiti sa akin. "si Misis.." masayang tumango ako.  "Yes babe I am on my way, yes yes. okey.."

Kinuha ko ang susi sa bag ko. "ikumusta mo nalang ako kay Yas ah."

"Sige makakarating." at muli niya akong niyakap. " Jhin thank you.. masaya na ako ngayon kay Yas. Natutunan ko na siyang mahalin ulit.. pero gusto ko lang malaman mo na ikaw ang Great love ko kaya sana hayaan mo na ang sarili mong maging masaya.. face him face your great love."

And then I see him.. watching us back.. Christoff..

Kumalas ako mula sa pagkakayakap kay Marknell. Then nakita ko ang paglagpas ng sasakyan niya sa amin.

"thank you Marknell." inilahad ko ang palad sa kanya. "friends?"

Nakangiting tinanggap niya ang palad ko. "friends."

- - -

"Oppa.. your drinking again.."

Kinuha ni Christy ang brandy sa mesa ko.

"What are you doing here? I thought you have a meeting right now." ito na ang pumalit sa akin sa kompanya. Hindi kasi para sa akin ang OHIC, dapat si Christian ang sasalo sa akin pero ayaw din nito ng malaking responsibility. Pero sa awa sa diyos may nagpatino na rin dito. At ngayon nga si Christy na ang reyna sa OHIC. Napaka strict pa naman nito pagdating sa trabaho nagmana talaga ito kay Mr. Kang.

Umupo siya sa tabi ko. "Oppa I have something to tell you and I am sorry for keeping this to you for a long time now. I thought you would be happy, that you are able to forget her if she leave you. But I was wrong.. you still having a miserable life now."

"What do you mean?"

"Jhinkee loves you.. she does. When she left and made you question things about the two of you I promise myself to find her and I did.. I found out that she leaves you because of her dying best friend but I was in anger in that time so I told her to meet and say goodbye to you instead of explaining why she had to left.. so that you can move on. I even told her that you deserves someone better than her." umiyak na ito.

"But watching you after all these years.. I realized I was wrong Oppa.. I should tell you about it. I am sorry Oppa if I stole your happiness.."

Niyakap ko siya. "we can't never change the past Christy the important is now.. hey." pinahid ko ang luha niya. "your still my crying baby ha?"

"Oppa! Go and find her.. please.. I want to see you happy like what you are before.. and I know that only Jhinkee can make you happy."

Nalungkot ako pero ngumiti ako kay Christy. "I am happy now. I am happy knowing that she loved me before, even if I wanted to make her back to me I just can't.. she has her own family now."

Mas lumakas ang hikbi nito. "I'm sorry.. so sorry."

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon