Kung ano ang nararamdaman mo.

243 13 6
                                    

Para sa akin ba to?

Baka para sayo?

Baka para sa kanya?

O baka para sa taong mahal na mahal mo.

Na wala na ngayon sa piling mo

“Siguro mas magandang itigil na natin to.”

“Pagod na din ako.”

“Hindi ko na alam paano to maayos.”

“Break na tayo.”

Iba’t-ibang salita… Pero iisa ang ibig sabihin.

Masakit.

Mahirap.

Sobrang sakit.

Sobrang hirap.

Ganun naman talaga.

Dahil nagmamahal ka.

Yun nga lang, nauwi kayo sa wala.

Yung sa isang saglit nawala lahat ng parang bula.

Sabi nila, “Kahit kelan, hindi naging madali ang problema sa pag-ibig.” Oo nga naman, sino bang may sabing madali. Sino bang nagsabi na mababaw ang problema pag dating sa puso? Kung meron man, masasabi kong hindi talaga sila nag mahal ng totoo.

“Move on.” Ang daling sabihin diba? Pero ang totoo, mahirap gawin. Lalo na kung mahal na mahal mo talaga. At hindi rin nasusukat ang tagal ng pag momove on, sa tagal na pinagsamahan niyo. Minsan nga, kung sino pa yung hindi nagsama ng matagal, sila pa yung mas nasasaktan.

Madaling ipakita sa ibang tao na okay ka. Na kaya mo kahit wala na siya. Na wala ka ng pakialam sa kanya. Pero ang totoo, siya at siya pa din ang naiisip mo pagmulat ng mata mo, at bago ka matulog sa gabi.

Dadating din yung time na ayaw mo ng makarinig ng kahit ano sa kanya, pero pag open mo ng Facebook, bubungad yung status niya, o kung ano mang tungkol sa kanya, tapos mapapadpad ka na sa profile niya, titignan mo kung anong bago, at ultimo yung mga likes at comment ay tinitignan mo, tapos mamimiss mo siya, at marerealize mo na lang kung gaano mapaglaro ang tadhana.

Dadating din yung time na, may mga bagay kang makikita, na wala kang ibang maaalala kundi siya lang. Yung time na, isang kanta, magiging luhaan ka na naman.

Dadating din yung wala kang ganang kumaen, dahil hindi nagffucnction sa utak mo na gutom ka, dahil wala kang ibang iniisip kundi siya. Magpapakabusy ka sa kung ano anong lakad, at sa trabaho, pero at the end of the day marerealize mo na siya pa din yung laman ng puso’t isipan mo.

Sobrang hirap. Sobrang sakit. Yun bang ang hirap mag step forward, tapos isang bagay lang, back to zero ka na ulit.

 

 

 

So sinong magsasabing madali ang magmahal? Wala.

 

 

 

Minsan sa gitna ng pagmomove-on mo, mapapaisip ka na lang.

 

“Anong nangyari sa aming dalawa?”

 

“Bakit kami nauwi sa ganito?”

 

“Bakit kami sumuko?”

 

“Bakit kami bumitaw?”

 

You’ll end up asking yourself.

Na ikaw mismo, hindi makuha yung sagot sa sarili mong tanong.

Weird diba? Pero ganyan talaga kasi nagmahal ka.

Pero hindi naman pwedeng habang buhay kang ganyan. Hindi pwedeng habang buhay kang iiyak. Hindi pwedeng habang buhay kang masasaktan.

Hindi mo alam ang gagawin mo? Hindi mo alam kung san ka magsisimula? Pwes hindi ka nagiisa, dahil ganyan din ang nararamdaman ko.

Kung wala ka ng pwedeng gawin. Subukan mong simulang tanggapin, na yung taong inikutan ng mundo mo, yung taong minu-minuto katext mo, yung taong gusto mo lagi makita, yung taong nayayakap at nahahalikan mo, yung taong mahal na mahal mo, yung taong gagawin moa ng lahat mapasaya lang siya, yung taong yun, wala na.

Kailangan mong tanggapin na, walang permanente sa mundo. Imbes na magmukmok ka, imbes na umiyak ka, at imbes na sirain mo yung sarili mo, bakit hindi ka na lang maging masaya.

Na minsan sa buhay mo, ay naging masaya ka sa kanya. Sometimes it is not about the happy ending, because sometimes, it’s your happiness when you’re still together that matters.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para sa kahit na Sino.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon