Liar (one-shot)

442 23 7
                                    

Liar (one-shot) 

By: HimeYandere

Ngayon ay nasa school ako at nagbabasa lang dito sa rooftop kasama ang best friend ko na si Lily .. 4 years na kaming magbest friend at sobrang bait niya sa akin at sobrang kulit din minsan.. May perfect boyfriend din ako.. Sobrang saya ko dahil parang perfect na lagi ang araw ko dahil may sobrang cool na akong boyfriend at may sobrang bait pa akong best friend!!

"Tara na sa classroom!" si Lily talaga .. bakit ba gusto niya laging pumunta sa classroom !? ang hangin kaya dito sa rooftop at tahimik pa..

"Dito muna tayo..ppllleeeaasssee?" with matching puppy eyes habang sinasabi ko sa kanya..

"Punta na akong classroom..Bye!" tumayo siya sa kinauupuan niya at tumakbo agad sa may pinto saka nagpaalam sa akin..wala akong magagawa.. eh di pumunta na siya sa classroom! ang boring din naman doon eh..

"ok" mahinang sinabi ko sa kanya at yon, umalis na nga siya at iniwan niya pa ako dito... sobrang hangin dito, nakakarelax at ang tahimik...sa rooftop ako naounta lagi tuwing snack time para makapagbasa...

"Hello Kyra" isang boses na nagsalita sa akin habang nagbabasa ako dito sa rooftop .. Hindi pamilyar sa akin ang boses na yon kaya naman tiningnan ko kung sino ang nagsalita at nakita ko na Sky lang pala, ang president na school at classmate ko din..

"Hello Sky" ngayon lang ako kinausap ni Sky ahh.. anong meron?

"meron ka bang sasabihin sa akin?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanya ng seryoso..

"aahh..eehh" ano bang meron ngayon?

"ano?" anong meron..?

"Kapag sinabi ko sayo, maniniwala ka ba?" seryosong tanong niya sa akin .. 

"hhmm... bahala na"  

"Best friend mo at ang boyfriend mo magkasama ngayon sa classroom"

"aahh..ok lang yon..close naman sila sa isa't-isa.." ngumiti ako sa kanya..close naman talaga si Lily at si Tyrone eehh.. 

"Masasabi mo bang ok lang yon kung sabihin ko sayo na nakita ko silang naghahalikan sa classroom" a-anong sinasabi ni Sky? maniniwala ba ako o hindi? 

"Huwag ka nga magsabi ng ganyan" patawa na sinabi ko sa kanya ... baka naman binibiro lang ako ni Sky..

"hhmmm..." hinawakan niya ang kamay ko kaya naman nalaglag yung book na binabasa ako at tumingin siya sa akin ng seryoso ..

"Hindi ako naniniwala!" sigaw ko sa kanya..

"Kung ayaw mong maniwala, tingnan mo" tumayo siya kaya naman napatayo din ako kasi hawak niya pa din ang kamay ko ang binilisan ang lakad papuntang classroom...

Binuksan niya yung pinto ng classroom namin at nakita ko na naghahalikan ng si Lily at Tyrone.. tama nga si Sky.. Napaluha ako sa mga nakita ko at bigla nila ako napansin na umiiyak ..

"aahh..ehh.." kinakabahang sabi ni Tyrone 

"mali ang nasa isip mo.." sigaw ni Lily sa akin 

"Sinungaling kayong dalawa! akala ko ba close kayo dati kasi magkaibigan kayo, yon pala mali ako! close pala kayo sa isa't-isa kasi nga may mahal niyo ang isa't-isa tama ba?" lumuluha ako habang nagsasalita sa kanilang dalawa .. ang boyfriend ko na si Tyrone at si Lily ... Liars sila .. Pinaniwala nila ako dati na magkaibigan sila pero parang silang mag BF/GF kung umasta.. Naghahalikan, magkaibigan lang? yung totoo? Niloloko nila ba ako?

"Oo tama ka nga! mahal namin ang isa't-isa" kalmadong sinasabi ni Lily sa akin..

"Tyrone..totoo ba yon?" tanong ko sa kanya habang lumuluha..

"Oo..mahal ko sa Lily.. Kaya lang kita niligawan kasi inutos yon sa akin ng best friend mo na si Lily..wala akong pagmamahal sayo.. Ginawa ko lang ang utos ni Lily sa akin na ligawan kita at sinagot mo agad ako kaya naman sabi ni Lily sa akin na huwag ko daw sabihin sayo ang totoo kasi nga kapag daw naka 6 months tayo, makikipag break daw ako sayo dahil sasagutin daw niya ako.." Seryosong sabi sa akin ni Tyrone ... Ang inakala ko na Perfect world ay isa palang malaking kasinungalingan... ang tunay palang nililigawan ni Tyrone ay si Lily at inutos naman ni Lily na ligawan ako at iwanan ako kapag naka 6 months na ang relasyon namin at kapag nakawa ni Tyrone iyon ay sasagutin siya ni Lily ... I hate them !! Liars !!

"So ginamit niyo lang ako?" tanong ko sa kanila habang lumuluha ..

"Oo...Sorry" sabi nilang dalawa sa akin ... sobrang sakit .. akala ko friends lang sila, akala ko si Tyrone na ang Perfect boyfriend ko, akala ko totoo ang sinasabi nila na close sila dahil magkaibigan sila.. Akala ko ba mahal mo ako diba Tyrone? pero kasinungalingan lang pala ang lahat ... 

Tumakbo ako papuntang rooftop para doon ko mailabas lahat ng galit ko.. Kasinungaling lang pala ang lahat.. Mali ang inaakala ko..

Sinungaling talaga si Tyrone..Pinaniwala niya ako sa na mahal niya ako.. yon pala, matagal na akong nabubuhay sa mundo na punong-puno ng kasinungalingan ... Sinungaling si Tyrone .. sabi niya mahal niya ako pero hindi totoo ...

Liar (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon