CRASH LANDING ON YOU

191 2 1
                                    

Nagsimula ang lahat sa isang paragliding

Ngunit sa kasamaang palad, malayo ang kaniyang narating

At sa sobrang lakas ng ihip ng hangin

Laking gulat niya ng nasa North Korea na siya nang gumising.

Doon nakilala niya si Captain Ri    


At hindi makapaniwala si Yoon Se-ri 

Ipinakilala siya nito bilang fiancee^

Sa kaniyang mga kapit-bahay para wala na silang masabi.

Tinulungan siya nito at niligtas sa kapahamakan

Upang hindi siya mahuli ng mga kinauukulan


Nagpanggap sila bilang magkasintahan

At doon umusbong ang kanilang nararamdaman. 💓

Sa kagustuhang makabalik sa kaniyang mundo 🌎
Ginawa ang lahat ng paraan ngunit hindi nagtagumpay ang plano
Ngunit hindi pa rin siya sumuko at nawalan ng pag-asa 🙏
Dahil nandiyan si Captain Ri at handang ibuwis ang buhay nito para sa kaniya.

Kahit maraming balakid at pagsubok
Nagtagumpay rin sa wakas at narating ang tuktok
At sa kanilang pamamaalam sa isa't isa
Hindi maitago ang lungkot at luha sa kanilang mga mata. 😢

Dalawang pusong nagmamahalan
Ngunit sadyang mapait sa kanila ang kapalaran
Bakit pa sila pinagtagpo ng tadhana
Kung sa huli ay kapwa rin silang luluha.

At dahil nanganganib ang buhay niya
Tinalikuran nito ang kaniyang mundo 🌎 para protektahan siya
At sa muli nilang pagkikita, hindi pa rin siya makapaniwala
Nasa harapan niya si Ri Jeong Hyuk
At ang puso niya ay ayaw tumigil sa pagtibok-tibok. ❤

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana para sa kanilang dalawa
Wala silang magawa kundi ang bitawan ang isa't isa 💔😭
Isang ala-alang hindi malilimutan kailanman
Tanging pananalig sa Diyos 🙏 at tamang panahon lang ang kailangan. 🕒📆

Sa lugar kung saan namumukadkad ang Edelweiss na bulaklak 🌸
Nakakaaliw na taglay nito at halimuyak
Sa tabi ng lawa at gitna ng mga bundok na malawak 🗻
Pinagtagpo muli ang dalawang pusong sabik na sabik sa isa't isa
At kahit magkaiba man ang kanilang mundo 🌎 tanging kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa kanila. 💏

Crash landing on you
Is the best kdrama that many of them can't get over too! 😍👍💯

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CRASH LANDING ON YOUWhere stories live. Discover now